PAG-ANGKAT NG BIGAS TULOY – DA

bigas

NILINAW  kahapon ng Department of Agriculture na tuloy pa rin ang pag-angkat ng bigas ng Filipinas sa ilalim ng Rice Tariffication Law, subalit  mas mahigpit na ang proseso rito.

Sinabi ni Agriculture Secretary William  Dar  na naki­pagpulong siya kay Pangulong Rodrigo Duterte, na ipinag-utos noong Martes ang pansamantalang pagpapatigil sa pag-angkat ng bigas dahil panahon naman umano ng anihan ng mga lokal na magsasaka.

Nilinaw ni Dar na sa halip  umanong  suspendihin ang pag-aangkat ng bigas ay maghigpit na lamang ang gobyerno para matiyak na hindi sobra-sobra at may kalidad ang mga papasok na imported rice.

Hihigpitan din ang pag-iisyu ng  mga import permit tulad ng sanitary at phytosanitary import clearance.

Ang pagpapatuloy aniya ng rice importation ay upang  matiyak na mayroong sapat na suplay ng bigas sa bansa.

Pinadami  ng  Rice Tariffication law ang supply ng inaangkat na bigas sa ibang bansa,  dahil tinanggal  nito ang  limitasyon kasabay naman ng pagpapataw ng taripa sa imported rice.

Comments are closed.