DAPAT mag-hire ang gobyerno ng mas maraming contact tracers sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Ani Dominguez, ang pag-hire ng contact tracers ay hindi lamang magpapalakas sa health capacity ng bansa sa gitna ng COVID-19 crisis, kundi magbibigay rin ng trabaho sa mga pansamantalang naging jobless dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).
Sa ilalim ng ECQ ay bawal
ang mass transportation at prohibited mass gatherings na nagresulta sa work stoppage sa maraming industriya.
“Around 1.2 to 1.5 million lost their jobs, temporarily, so we can hire them for contact tracing which we are having a hard time doing,” ani Dominguez.
“One contract tracer can take a whole day for one case, so we need to hire more contract tracers to match the numbers we expect [of tracking],” dagdag pa niya.
Comments are closed.