PAG-HOST NG PH SA FIBA ASIA CUP QUALIFIERS ‘DI NA TULOY

Al Panlilio

KANSELADO na ang pag-host ng Filipinas sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers, ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Sinabi ng SBP na ito ay dahil sa travel restrictions na ipinatutupad ng pamahalaan para mapigilan ang pagpasok ng bagong  COVID-19 variants sa bansa.

Ayon sa SBP, dahil hindi pinayagan ng gobyerno ang anumang exemptions sa travel ban ay hindi na matutuloy ang hosting ng bansa sa FIBA Asia Cup Qualifiers Group A at Group C tournaments.

“It is with great sadness that we announce it is no longer going to happen… We’ve constantly communicated with our partners from the National Task Force Against COVID-19 and they have informed us that there would be no exemptions from the current travel restrictions announced by the Department of Foreign Affairs,” wika ni SBP President Al Panlilio sa isang statement.

Hindi pa malinaw kung saan ililipat ang torneo.

Ang third at final window ng qualifiers ay gaganapin sana sa Clark, Pampanga mula Pebrero 18 hanggang Pebrero 22 sa pamamagitan ng sports “bubble” na katulad sa  PBA setup.

Ang Filipinas ay nakatakda sanang maging hosts ng mga koponan mula sa Group A, na kinabibilangan ng Gilas Pilipinas Men at ng iba pang mga koponan mula sa South Korea, Indonesia, at Thailand. Sasamahan din sila ng mga koponan mula sa Group C na binubuo ng men’s basketball teams mula sa New Zealand, Australia, Guam, at Hong Kong.

Ang Gilas Pilipinas ay kasalukuyang nangunguna at may 3-0 record sa Group A at isang panalo na lamang ang kailangan para magkuwalipika sa FIBA Asia Cup.

Comments are closed.