CAMP CRAME -ITUTULOY ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang kanyang mga naka-schedule na pag-bisita sa mga Police Regional Offices sa susunod na linggo.
Ito ang sinabi ni Gamboa, sa kanyang unang press conference matapos na makalabas ng ospital kasunod ng nangyaring pagbagsak ng PNP chopper na kanyang sinasakyan sa San Pedro, Laguna noong Huwebes, Marso 5.
Magugunitang nagtungo si Gamboa sa Laguna noong nakaraang linggo sakay ng P435 million Bell 429 helicopter ng PNP bilang bahagi ng Command visit sa PRO4A nang mangyari ang aksidente.
Ayon sa PNP Chief, by-land muna siya bibiyahe hangga’t maari habang naka-freeze o grounded ang mga chopper bunsod ng insidente.
Gayunman, tiniyak ni Gamboa na “in due time” ay gagamitin din uli niya ang mga chopper para bumiyahe sa mga lalawigan. EUNICE C.
Comments are closed.