PAG-IISYU  NG AEP BINUKSAN MULI SA BORACAY

boracay

KASUNOD ng muling pagbubukas ng Boracay noong Oktubre, sini­mulan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-iisyu ng alien employment permits (AEP) sa mga dayuhan na nagnanais magtrabaho sa nasabing isla.

Batay sa Labor Advisory No. 01, series of 2019, inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagtatanggal ng sus-pensiyon sa pag-iisyu ng mga AEP matapos na alisin ang closure period sa ilalim ng Proclamation No. 475 na inisyu ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon.

Sa ilalim ng proklamasyon, pansamantalang ipinasara ang Boracay mula Abril 26 hanggang Oktubre 25, 2018 upang ibalik ang kalinisan at kaayusan ng isla.

Bilang pagsunod sa aksiyon ng pamahalaan, noong Hunyo 26, nag-isyu rin si Bello ng Labor Advisory No. 11 na nag-aatas ng suspensiyon sa pag-iisyu ng AEP sa mga dayuhan.

Saklaw ng kautusan ang mga dayuhan na nagnanais magkaroon ng trabaho sa isla at ang mga mayroon ng valid AEP na nais namang ma-renew ang kanilang mga employment permit. PAUL ROLDAN

Comments are closed.