AABUTIN na lamang ng isang buwan ang rice importation kung saan paiikliin ang pagproseso ng permits sa maximum na 28 araw sa ilalim ng Rice Liberalization Act.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero bilang batas ang Rice Liberalization Act, na mag-aalis sa quantitative restrictions sa bigas, at magpapataw ng 35-percent tariff sa imports mula sa mga kalapit-bansa sa Southeast Asia.
Batay sa draft guidelines ng Rice Liberalization Act, ang milled rice importation process ay aabutin ng maximum na 28 araw, kung saan makikilahok ang ilang ahensiya ng pamahalaan.
Ayon kay Finance Assistance Secretary Antonio ‘Tony’ Joselito Lambino II, ang pagkuha ng permits mula sa Bureau of Plant Industry (BPI) ay aabutin ng maximum na 14 araw – anim na araw para sa registration, at pitong araw para sa sanitary and phytosanitary import clearance (SPSIC).
“It will take six to seven working days to secure permits from the Bureau of Customs (BOC), six to seven days from the Philippine Ports Authority (PPA), three days from the registration with the Philippine International Trading Corporation (PITC), and another eight days for the PITC import consolidation.”
“Kung tutuusin, maybe all in all, three weeks, four weeks, nandiyan na ‘yung bigas,” sabi naman ni Trade Secretary Ramon Lopez.
“As long as wala nang kinuhang NFA (National Food Authority) permit, it’s really just the quality and then the actual procedure of importation, nandiyan na ‘yung bigas in less than one month,” dagdag pa niya.