PAG-OBLIGA SA MGA PASAHERO SA PRIVATE VEHICLES NA MAGSUOT NG FACE MASK IIMBESTIGAHAN

Senadora Grace Poe-4

IIMBESTIGAHAN  ng Senado ang nais ng pamahalaan na pagsuotin ng face mask ang mga nasa loob  ng sasakyan  kahit pribado pa ito.

Sinabi ni Sen. Grace Poe, kinakailangang pag-aralang mabuti ng Inter Agency Task Force (IATF) ang kanilang polisiya na  nagre-require na magsuot ng face mask ang lahat ng pasahero kahit magkakasama pa sila sa iisang bahay

“I  ask the IATF to rethink its policy requiring occupants of a vehicle to wear anti-virus masks even if they are from the same household.”

‘This order is simply ludicrous and unrealistic,” dagdag pa ni Poe.

Sa joint statement ng Department of Transportation (DOTr) at ng Department of Health (DOH), kanilang nilinaw na maaari lamang mag-alis ng face mask ang driver ng isang sasakyan kung siya lamang mag-isa, pero kung may mga sakay na ito o kasama sa loob ng sasakyan, dapat lahat ay magsuot ng face mask.

Nakasaad pa sa statement na makikipag-ugnayan ang DOTr at DOH sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Inter-Agency Council for Traffic (IACT), Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), at iba pa para sa proper implementation.

Iginiit ni Poe na ang sasakyan ay ekstensyon na ng  bahay ng pamilya maliban na lamang kung may  ibang tao sa sasakyan.

Ang pagsusuot  ng face mask ay maaari lamang iobliga sa mga public transportation at car pooling subali’t hindi sa  private vehicles na kung saan miyembro rin ng panilya ang magkakasama

Tiniyak ni Poe na pagpapaliwagin ang mga nasabing ahensiya kaugnay sa kanilang ipinatupad na polisiya. LIZA SORIANO

Comments are closed.