PAGADIAN, KAPATAGAN TUMATAG SA VISMIN CUP

NALUSUTAN ng host team Pagadian ang matikas na pagbangon ng MFT Iligan sa final period para sa 83-70 panalo sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Challenge Sabado ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga Del Sur.

Tangan ang walong puntos na bentahe sa halftime, matikas na kumamada ang Explorers at nalimitahan sa 10 puntos ang Archangels sa third period para hilahin ang bentahe sa 62-48 tungo sa final period.

Nagawang makabawi ng Iligan sa payoff period sa 12-0 run, tampok ang layup ni Jack Hayohoy para maibaba ang kalamangan ng Pagadian sa 65-71, may 3:11 ang nalalabi sa laro.

Sa krusyal na sandali, umeksena sina Christian Uri, Charles Pepito, at Edzel Mag-isa para sa 7-2 counter attack at maselyuhan ang panalo ng Explorers tungo sa huling dalawang minuto ng laro.

“Start strong, finish strong. ‘Yun lang ang gusto kong matutunan nila,” pahayag ni Pagadian head coach Gherome Ejercito. “Noong nakahabol ang Iligan, sinabi ko dapat matuto na tayo, kailangang lumaban tayo.”

Nanguna si Uri na may 14 puntos, habang gumawa rin si Keanu Caballero ng 14 puntos at limang assists para sa Explorers na umangat sa 4-5 marka.

Kumamada sina Jack Hoyohoy at  Algeroh Benitez sa Archangels (2-7) ng  tig-12 puntos.

Sa ikalawang laro, ginapi ng BYB Kapatagan ang Zamboanga Sibugay Anak Mindanao, 67-61.

“Nakita nila ako parang sumigla ‘yung mga player. Puso na lang ang labanan eh kasi gusto talaga nilang makabawi,” pahayag ni Buffalos head coach Jaime Rivera.

Umakyat ang Buffalos sa 5-3, kasosyo ang Roxas sa ikalawang puwesto, habang bumagsak ang Warriors sa 5-4. EDWIN ROLLON

Iskor:

(Unang Laro)

Pagadian (83) – Uri 14, Caballero 14, Mag-isa 11, Saludsod 11, Fuentes 9, Diaz 8, Ibanez 8, Pepito 4, Pamaran 2, Dechos 2, Tolentino 0, Baldeo 0, Demapilis 0, Demigaya 0, Quimado 0.

Iligan (70) – Benitez 12, Hoyohoy 12, Tamayo 11, Cuyos 8, Salo 7, Torres 5, Dela Rea 4, Quinga 4, Daguisonan 4, Cruz 2, Rivera 1, Aparice 0, Tagolimot 0, Andrade 0, Cecilio 0.

QS: 18-17, 46-38, 62-48, 83-70.

(Ikalawang Laro)

Kapatagan (67) – Daanoy 24, Lao 10, Ariar 9, Sollano 7, Puerto  6, Bonganciso 4, Manalo 3, Bersabal 2, Delfinado 2, Kwong 0, Saga 0.

Zamboanga SIbugay (61) – Arong 11, Sorela 8, Imperial 7, Caunan 7, Penaredondo 6, Acain 6, Octobre 4, Gayosa 4, Jamon 4, Camacho 2, Bangcoyan 2, Dumapig 0, Lacastesantos 0.

QS: 10-15, 35-28, 47-41, 67-61.