INIANUNSIYO kahapon ng Department of Education (DepEd) na magkakaroon ng pagbabago sa school calendar para sa School Year 2020-2021.
Sa inilabas na DepEd Order No. 012, series of 2021 na may titulong “Amendment to DepEd Order No. 030, s. 2020 (Amendment to De-pEd Order No. 007, s. 2020, School Calendar and Activities for School Year 2020-2021) na nilagdaan ni Education Secretary Leonor Briones ay nakasaad na layunin nito na: “To allow schools to implement interventions for bridging learning gaps and to give time to teachers for the different learning delivery modalities.”
Inabisuhan ng DepEd ang mga guro, magulang at estudyante kaugnay sa mga pagbabago sa mga aktibidad sa mga sumusunod na petsa:
Marso 1 hanggang 12, 2021
(Interventions para sa bridging learning gaps at learning gains), Marso 15 hanggang 19, 2021 (In-Service Training (INSET) para sa mga guro at school break sa mga mag-aaral), Marso 22 hanggang Mayo 15, 2021 (Simula ng Quarter 3).
Mayo 17 hanggang Hulyo 10, 2021
(Simula ng Quarter 4)
Epektibo ang bagong polisiya sa lahat ng public elementary at secondary schools sa buong bansa para sa School Year 2020-2021.
Hinikayat din ng DepEd na ipatupad din ang nasabing panuntunan sa mga pribadong paaralan, technical at vocational institutions, at higher education institutions, kasama ang state and local universities and colleges, na nag-aalok ng K to 12 Basic Education Program. NENET VILLAFANIA
168440 847518quite nice post, i truly really like this web website, keep on it 939198
70172 682254There a couple of fascinating points over time here but I dont know if I see them all center to heart. There exists some validity but Let me take hold opinion until I look into it further. Quite great post , thanks and now we want far more! Included with FeedBurner at the same time 67848