PINAIGTING ng Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) ang pagbabantay sa uncertified fireworks bilang paghahanda para sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
For our part, we will conduct more intensified monitoring this season,” wika ni FTEB Director Gino Mallari sa isang media forum kamakailan.
Ginawa ni Mallari ang pahayag bilang tugon sa apela mula sa legal firecracker manufacturers para sa mas mahigpit na pag-monitor sa pagbebenta ng uncertified products, na nakaaapekto umano sa kanilang kabuhayan.
“We can issue cease and desist orders for the manufacturers and then I believe there is a special law enforced by the PNP (Philippine National Police) with criminal aspect for violations,” aniya.
Tiniyak niya ang tuloy-tuloy na koordinasyon sa PNP, partikular sa pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa kung saan maaaring matagpuan ang uncertified products.
Nakikipag-ugnayan din ang DTI-FTEB sa local government units (LGUs) upang magpatupad ng mga ordinansa at magtalaga ng mga lugar para sa display at pagbebenta ng certified firecrackers.
Nauna na ring hinikayat ni DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque ang mga consumer na bumili lamang ng certified fireworks upang matiyak ang kaligtasan at worry-free celebrations.
Inilathala na ng Bureau of Philippine Standards ang listahan ng certified fireworks sa website ng DTI
Sa panig ng Department of Labor and Employment (DOLE), pinaalalahanan nito ang mga establisimiyento sa pyrotechnics industry na mahigpit na sumunod sa Occupational Safety and Health Standards.
Nakasaad sa Labor Advisory No. 15 na inilabas noong Sabado na dapar tiyakin ng mga kompanya ang ligtas na workplace para sa lahat ng manggagawa.
Inatasan ng DOLE ang lahat ng regional directors na bantayan ang pagsunod ng mga establisimiyento at makipag-ugnayan sa national at local agencies para sa monitoring, kabilang ang PNP, LGUs at Bureau of Fire Protection.
Kailangang isumite ng regional directors ang listahan ng mga establisimiyento na sinubaybayan sa Bureau of Working Conditions na hindi lalagpas sa Jan. 10, 2025. ULAT MULA SA PNA