PAGBABAWAL SA MGA MEDIA NA PUMASOK SA MALLS KINONDENA

Jonvic Remulla

CAVITE – MISTULANG rumesbak si Cavite Governor Jonvic Remulla makaraang kastiguhin ito ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kaugnay sa pagpapahintulot nitong bumiyahe ang pampublikong transportasyon kaya’t  nagpalabas din ito ng panibagong Executive Order  kung saan bawal  ang mga frontliner na may media identification na makapasok sa mga mall at supermarket sa nasabing lalawigan.

Agad kinondena ng mga mamamahayag ang nasabing kautusan ni  Remulla na walang sinumang may media ID ang makakapasok sa mga mall sa Cavite kahit pa inisyu ito ng IATF.

Kasabay nito, kinondena rin ang EO ni Remulla hinggil sa biglaang pagsasara ng malaking mall na hindi man lamang binigyan ng paunang warning kaugnay sa paglabag sa health protocol.

Bukod pa ito sa reklamo ng mga residente sa  EO No.17 na nagsasaad na ang makakapasok sa mall ay ang mga customer  na nakatira malapit  o sakop nito.

“Mukhang may sariling gobyerno at mundo si Cavite Gov. Remulla, hindi sumusunod sa panuntunan ng national government”, pahayag ng mga mamahayag na frontliner. MHAR BASCO

Comments are closed.