Pagbabayad ng kontribusyon ng mga self-paying member, pwede nang online!

“Voluntary ang pagbabayad ko ng ­PhilHealth premiums. May online ­payment ba kayo para hindi na ako ­bumiyahe? ­Medyo malayo kasi ang ­opisina nyo sa amin.”
– Pauline May
   La Carlota, Negros Occidental

Pauline, hindi ka na mahihirapang ­bumiyahe. Pinadali na ang pagbabayad ng kontribusyon ­dahil maaari mo na itong gawin online gamit ang PhilHealth Member Portal!

Kung wala ka pang account sa PhilHealth Member Portal, bisitahin ang aming website o puntahan ang link na ito, https://member­inquiry.philhealth.gov.ph/member. Punan ang mga ­impormasyong kailangan sa Member ­Portal ­Account Creation Page tulad ng PhilHealth ­Identification Number, pangalan, birthday, at ­e-mail address.

Matapos ito, mag-set ng password para sa iyong account. Pauline, suggestion lang. ­Gumamit ng alphanumeric – o pinaghalong mga letra at numero – na password at ­maglagay ng mga symbol (*&#) para masiguro ang ­proteksyon ng account mo. Iwasan mo rin na i-share ang mga impormasyon at password ng iyong ­Member Portal account para hindi ­makompromiso ang privacy mo at magamit ang impormasyon mo sa maling paraan.

Makatatanggap ka ng confirmation sa ­inilagay mong e-mail address. Laman nito ang steps para ma-activate ang iyong account. ­Kapag confirmed na, pwede ka nang mag-login sa ­Member Portal!

Upang makapagbayad ng kontribusyon, ­i-click lang ang Payment Management option sa kaliwang bahagi ng home page ng Portal. Dito ka makakapag-generate ng Statement of Premium Account o SPA na naglalaman ng impormasyon sa iyong babayaran gaya ng mga buwang nais mong hulugan at ang halaga na dapat mong ­bayaran.

Pwede kang gumamit ng credit/debit card at e-wallet tulad ng GCash at Maya sa pagbabayad. Sundan mo lang ang instructions sa ­pagbabayad sa payment screen. Siguraduhin na tama ang mga impormasyong nakalagay bago i-click ang ­proceed. Makatatanggap ka ng text o e-mail ­confirmation sa bawat successful transaction.

‘Di ba ang dali, Pauline? Safe, conven­ient, at hassle-free na ang pagbabayad mo. Goodbye na sa biyahe at pila dahil very convenient na ang payment transactions mo!

Hindi lang iyan ang magagawa mo sa ­Member Portal. Maaari mo ring i-download ang iyong Member Data Record para mai-print kung kinakailangan. Bukod dito, maa-access mo ang history ng iyong pagbabayad pati na rin ang ­pagpaparehistro sa PhilHealth Konsultasyon ­Sulit at Tama o Konsulta.

Ang Konsulta ang aming pinalawak na ­primary care benefit package. Makapipili ka sa Portal ng Konsulta provider na malapit sa iyong lugar para makagamit ng benepisyo para sa health screening at assessment, laboratory at diagnostic exam, at mga piling gamot para sa diabetes, hypertension, at iba pa!

Dahil sa panahon ngayon kung saan lahat ay online na – mula shopping at pag-o-order ng pagkain – hindi pahuhuli ang PhilHealth sa ­pagbibigay ng mabilis at de-kalidad na serbisyo para sa aming mga miyembro.

Sana ay nakatulong kami sa iyo, Pauline. Salamat sa iyong tanong at hanggang sa muli!

BALITANG REHIYON

Ang Local Health Insurance Office Davao ay lumahok sa isinagawang Caravan ng Office of the City Mayor Barangayan sa mga residente ng barangay Tagakpan at Colosas ng Davao City.

Para sa inyong mga ­katanungan, ­kumento, at suhestiyon, ­mag-text sa ­aming Callback Channel: ­0917-8987442. Text PHICcallback <space> Mobile o ­Metro Manila ­Landline ­number <space> ­detalye ng concern.

Pwede ring magpadala ng ­e-mail sa ­[email protected]. I-follow kami sa Facebook ­(PhilHealthOfficial) at Twitter (@teamphilhealth) para sa updates ­tungkol sa NHIP. ­Panoorin ang mga videos namin sa YouTube at ­mag-subscribe sa aming Channel ­(youtube.com/@teamphilhealth).