“Pwede ko pa bang magamit ang PhilHealth ko kung matagal nang ‘di nahuhulugan?”
– Ruben
Tondo, Manila
Magandang araw sa ‘yo, Ruben! Hindi hadlang ang kakulangan sa kontribusyon para magamit ang iyong benepisyong PhilHealth. Ito ay ayon sa Universal Health Care Law ng 2019. Sa ilalim ng batas, lahat ng Filipino ay agarang makagagamit ng benepisyo, kailan man, saan man.
Kung mayroon mang patlang ang iyong kontribusyon, magpapadala kami ng notice sa iyo tungkol dito matapos mo nang gamitin ang benepisyo. Pero mas mabuti kung tuloy tuloy at regular ang pagbabayad ng premium para makaiwas sa interes na itinakda ng UHC Law. Ang pinagsama-sama nating kontribusyon na nagiging pondo ng National Health Insurance Program na pinamamahalaan ng PhilHealth ay para sa kapakinabangan nating lahat. Ang mga ito ay nakatutulong din para lalo pang palakasin ang coverage ng PhilHealth para sa gamutan ng mga maysakit.
Payong kaibigan, Ruben. Ipagpatuloy mo ang kontribusyon sa PhilHealth. Kahit hindi mo ito nagagamit, marami tayong kababayang umaasa sa PhilHealth para sa kanilang gastusing medikal. Ika nga, “It is better to give than to receive.” Salamat sa tanong mo, Ruben. Hanggang sa muli!
“Pa-help po! Gusto kong magpamiyembro sa PhilHealth. Pinagsisimula na po kasi ako sa trabaho.”
– Villamin
Siargao City
Congrats, Villamin! Dalangin namin ang iyong tagumpay sa trabaho. Siyempre, bukod doon, dapat masigurong may kaagapay ka sa pangangalaga sa iyong kalusugan. Sagot ka namin d’yan.
Ang pagpaparehistro sa PhilHealth is as easy as 1-2-3! Una, mag-fill out ng PhilHealth Member Registration Form o PMRF. Libre itong mada-download mula sa aming website, www.philhealth.gov.ph. Basic lang ang mga impormasyong kailangan dito tulad ng pangalan, address, birthdate, at iba pa.
Maghanda ka rin ng valid IDs bilang supporting documents. May asawa ka ba? Pwede mo siyang ideklara bilang qualified dependent kung hindi pa siya PhilHealth member. Ilakip mo ang iyong marriage certificate ha! Kung mayroon kang anak na wala pang 21 years old, pwede rin silang maging qualified dependent mo. Birth certificate lang nila ang kailangan mong isumite sa amin.
Ipasa ang mga ito sa pinakamalapit na PhilHealth office at hintayin ang iyong PhilHealth ID at Member Data Record. Sana natulungan ka namin, Villamin. Sigurado maraming nag-aabang sa first sweldo blowout mo. Good luck!
BALITANG REHIYON
Para sa inyong mga katanungan, kumento, at suhestiyon, tumawag sa aming
Hotline No. (02) 8662-2588 available 24/7.
Maaari ring tumawag o mag text sa aming Mobile Hotlines 24/7
Smart: 0998-857-2957 │0968-865-4670
Globe: 0917-127-5987 │ 0917-110-9812
Para mag request ng Callback sa napiling numero, text “PHICallback <space> Mobile no. na tatawagan <space> detalye ng concern” Schedule ng Callback simula 8am – 8pm
Pwede ring magpadala ng e-mail sa [email protected]. I-follow kami sa Facebook (PhilHealthOfficial) at Twitter (@teamphilhealth) para sa updates tungkol sa NHIP. Panoorin ang mga videos namin sa YouTube at mag-subscribe sa aming Channel (youtube.com/@teamphilhealth).