PAGBAKUNA SA MGA PSG IIMBESTIGAHAN

Edgard Arevalo

IPINAG-UTOS  ni AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay na magsagawa ng malalimang imbestigas­yon hinggil sa ulat na nakatanggap na ng bakuna laban sa COVID-19 ang  mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG).

Una rito lumutang ang tanong na :  “who was the signing authority,  who greenlighted it,” mga tanong hinggil sa legalidad, paano maka pasok ito sa bansa at na iturok sa mga sundalo.

Ayon kay  AFP Spokesperson MGen. Edgard Arevalo na walang alam ang liderato ng AFP tungkol sa anumang inoculation program sa PSG.

“However, we maintain our previous declaration that the Chief-of-Staff of the AFP was not part of or privy about the circumstances involving the procurement of these vaccines, its source, and the administration thereof to PSG troopers,” ani Arevalo.

“Hence, General Gilbert Gapay has ordered the conduct of a thorough investigation on the factual circumstances surrounding this incident,” dagdag nito.

Isang mainit na isyu nitong pagsasara ng taong 2020 ang  balita hinggil sa COVID-19 vaccine matapos mabunyag na may ilan sa kanilang mga tauhan, maliban pa sa ilang mga miyembro ng Gabinete ang naturukan na ng bakuna gawa ng  Sinopharm ng China .

Sinabi ni PSG commander Brig. Gen. Jesus Durante III na sila raw mismo ang nagbakuna sa kanilang mga sarili gamit ang kanilang sariling medical staff.

Inamin din ni Durante na hindi umano sila humingi ng permiso kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagbabakuna sa ilang PSG personnel.

Depensa ng pinuno ng PSG, ang pagbabakuna ay bilang pagprotekta kay Pangulong Duterte laban sa coronavirus, lalo pa’t ang kanilang pangunahing tungkulin ay siguruhin ang kaligtasan ng commander-in-chief.

Kaugnay nito, iniha­yag ng DOH na posibleng tanggalan ng lisensiya at makasuhan ang mga medical practitioners na mag-tuturok ng hindi FDA approve vaccine. VERLIN RUIZ

Comments are closed.