ILANG linggo matapos ang opisyal na inagurasyon ni Pangulong BBM bilang bagong Punong-Ehekutibo nitong Hunyo 2022, agad niyang isinumite sa Kongreso ang panukalang kauna-unahang pambansang budget ng kanyang administrasyon – ang tinatawag na National Expenditure Program o NEP.
Sa ilalim ng NEP, nakadetalye ang spending priorities ng gobyerno sa susunod na taon. Ang programang ito ay dadaan sa masusing pagbusisi at pagdedebate ng dalawang sangay ng Kongreso. Sa sandaling maaprubahan, ito ay tatawaging General Appropriations Act o GAA na lalagdaan at isasabatas ng Pangulo.
Sa sandali namang malagdaan na ito ng Pangulo, ito na ang susunding programa ng gobyerno na pagbabatayan sa pagpapatupad ng mga proyekto at iba pang prayoridad na makatutulong sa publiko at magpapalusog sa ekonomiya ng bansa.
Sa kanyang nga pahayqg, binibigyang-diin o importansiya ng Pangulo ang nilalaman ng.P5.628 trilyong 2023 national budget na aniya’y mahalagang magugol sa mga kritikal na gastusin at pagbabangon sa ating mamamayan. Kung dati, sinalo ng sambayanan ang pahirap na dala ng pandemya, sa pagkakataong ito, dapat ay publiko naman ang mas mapalakas, at mailigtas ang ekonomiya mula sa sadsad na sitwasyon.
At nito ngang nakaraang linggo, naplantsa na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang mga disagreeing provisions at tuluyan nang lumusot sa bicameral conference committee.
At bagaman may nga ahensiya ng.gobyerno na natapyasan ng budget, tiniyak naman natin, bilang chairman ng Senate Committee on Finance na mapondohan nang sapat ang mahahalagang ahensiya na nakaaagapay ng administrasyon sa pagpaoatupad ng recovery programs.
Bilang acting Agriculture Secretary, isa sa mga isinusulong ni Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain. Kaya sa katatapos na budget diberations, naglagak tayo ng mahigit P98 milyon sa DA (o mahigit 30 milyong mas mataas sa appropriated funds sa ahensiya ngayong 2022). Malaking bahagi ng 2023 budget ng DA ay mapupunta sa mga pambansang programa ng departamento, tulad ng livestock, organic agriculture, at urban and peri-urban agriculture.
Hindi.pa kabilang dito ang may P55.991 bilyong budgetary support sa government corporations na konektado sa DA tulad ng National Dairy Authority, ang National Irrigation Administration, Philippine Coconut Authority, at ang Philippine Fisheries Development Authority, atbp. Sa mga panahong ito na tumatanggap tayo ng matindng dagok ng inflation, dapat at may sapat tayong suporta sa mga programang nagpapalakas sa domestic production ng mga pagkain at mga produktong agrikultural.
Ang DOH naman at ang attached agencies nito ay pinaglaanan natin ng halos P210 bilyong pondo para sa susunod na taon. Sa ilalim ng naturang budget, may tinatawag tayong standby funds na gagamitin sa pagbili ng mga bakunang hindi lamang para sa COVID-19 kundi maging sa iba pang karamdamang nangangailangan ngl bakuna; par sa hiring ng mga karagdagang emergency vaccinators, at ang pagtatatag ng specialty care centers sa labas ng kalakhang Maynila. Isa ang programang ito sa mga binigyang-diin ng Pangulo sa kanyang SONA.
Tuloy-tuloy rin sa ilalim ng 2023 budget ang conditional cash transfers alinsunod sa implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4 Ps. Kasabay ng programang ito ang pagpapatuloy ng DSWD programs tulad ng Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances at ang Sustainable Livelihood Program, gayundin ang emergency employment programs ng DOLE tulad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program o TUPAD. Nariyan pa rin ang fuel vouchers and subsidies mula sa DA at sa DOTr.
At dahil malaki ang pagpapahalaga natin sa edukasyon, tatanggap ang DepED ng kabuuang pondo na P678.317 bilyon. Ang SUCs ay pinaglaanan ng P13.712 bilyon na higit na mas.mataas sa panukalang pondo ng ahensya sa ilalim ng NEP.
Uulitin lamang natin: ang mga nabanggit nating ahensya ay ilan lamang sa mga importanteng departamento ng gobyerno na pinanatili nating may sapat at angkop na pondo. Sila ang mga ahensyang malaking tulong sa mamamayan at sa pagsusulong ng administrasyong sa muling pagbabangon ng ekonomiya.