PAGBATI SA ANIBERSARYO NG PM!

atty rojas 2

MARAMI sa atin ang ‘di na sanay magbasa ng diyaryo sa papel. Uso na nga naman ang internet at halos lahat ay mababasa na sa computer, tablet, o mobile phone. Sa pana­hong ito, hindi na ganoon karami ang pupulot ng diyaryo at susubaybay sa mga artikulong luma­labas dito. Kaya’t ma­halagang banggitin at pasalamatan kayong mga masusugid na mamba­basa pa rin ng diyaryong PILIPINO Mirror, na sa loob ng mahaba o maiksi mang panahon ay nariyan upang suportahan ang pa­hayagan at mga manunu­lat nito.

Sa okasyon ng anibersaryo ng PILIPINO Mirror, nais kong pasala­matan hindi lamang ang aking mga mambabasa kundi ang mga tumatang­kilik sa buong pahaya­gan.

Narito kami sapagkat nariyan kayo. At dahil nariyan kayo, ibig sabi­hin ay may mahalagang papel na ginagampanan ang PILIPINO Mirror sa inyong mga buhay. May mahalagang bagay na naibibigay para sa inyo, at ito ay ang patuloy naming pagsusumika­pang maihatid sa bawat edisyon ng diyaryong ito.

Makaaasa po kayong pagbubutihin namin ang aming gawain at lalong maghahanda upang mai­bigay sa inyo ang im­pormasyong mahalaga at kinakailangan.

Malaking bagay po ang bawat isa sa inyo, aming minamahal na mambabasa. Kayo po ang dahilan kung bakit ipinagpapatuloy at pinag­susumikapang mapa­ganda ang bawat artikulo, kolum at edisyong lalabas mula sa aming imprenta.

Muli, salamat sa pagtitiyaga, patuloy na pagsuporta at pagtangki­lik sa aming pahayagan. Sana ay ipagpatuloy po ninyo ang pagbabasa at pagbabahagi na rin ng impormasyong inyong natatagpuan sa PILI­PINO Mirror. Kapwa tayo may papel na ginagampanan sa lipunan, at hangad ko ang patuloy na inspirasyon at lakas para sa inyo at para sa amin upang maipagpatuloy natin ang pagganap sa ating kani-kaniyang responsibilidad.

Mabuhay po kayo! Mabuhay ang pahaya­gang PILIPINO Mirror!

Comments are closed.