INAASAHAN ng lokal na pamahalaan ng San Miguel, Iloilo na makakatulong sa mga magsasaka mula sa mga bundok ng Panay ang pagbebenta ng kanilang mga produktong agrikultura sa lalawigan sa pamamagitan ng digital transactions matapos itong ilunsad ng naturang local government unjit (LGU) sa pinakamalaking food terminal at hub sa kanilang lalawigan.
Ayon kay San Miguel Mayor Marina Luz Gorriceta, umaasa silang mas maraming costumers ang maaabot ng inilunsad nilang mobile application para sa Bagsakan center, na kilala bilang San Miguel Public Market and Farmers Bagsakan Complex (SMPM-FBC).
Makatitulong aniya ito para malaman ng mga costumer kung saan sila makakaorder ng mga produkto para sa consolidation .
Ang naturang app ay naging available sa para sa institutional buyers tulad ng restaurants, hotels, hospitals, at catering services. Ito ngayon ay magiging available na sa mga households na nagsimula noong Setyembre 29, lalo na nang ang wet and dry market vendors ay pinayagan ng gumamit ng online paid orders to para ideliver ng tricycle at e-bike drivers.
Inaasahan ng lokal na pamahalaan na ang naturang digital platform ay makakatulong sa malaking hamon kinakaharap ng sektor ng agrikultura pagdating sa marketing at pagbebenta ng kanilang mga consolidated products mula sa Bayanihan Tipon Center (BTC) network na itinatag sa bayan ng Alimodian, Tubungan, at Lambunao in Iloilo; Tobias Fornier, Patnongon at Sebaste sa Antique; Libacao at Madalag sa Aklan; at Tapaz at Jamindan sa Capiz.
Kadalasan aniya ang delivery logistics ay sa pamamagitan lamang ng tradisyonal na mga jeepney sa mga bayan para rin makapagbigay ng hanapbuhay sa mga jeepney driver.
Ang Panay Island Upland–Sustainable Rural Development Project (PIU-SRDP) ay napondohan sa pamamagitan ng grant mula sa Korea International Cooperation Agency (KOICA) ng 2018.
Ang agricultural hub na ito ay pansamantalang natigil ang operasyon sa kasagsagan ng pandemic, at muling nabuksan lamang ng Setyembre ng taong 2023.Subalit ang full blast na pagbubukas anya nuito ay naisagawa ngayong Miyerkoles lamang.
Tatlo ang kooperatiba na namamahala sa hub na nakatuon ang mga pagbebenta sa mga bigas, prutas, at mga gulay.Mayroon ding mga nagbebenta ng livestock at poultry products.
Ayon kay Iloilo second district Rep. Michael Gorriceta, mas mura ang mga presyo ng produkto ng agrikultura sa naturang lugar sapagkat walang middlemen sa mga transaksyon.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia