(Pagbiyahe ng pampasabog nadiskaril) 2 ISIS MEMBERS TUMBA SA ENCOUNTER

patay

SULTAN KUDARAT – DALAWANG hinihina­lang miyembro ng ISIS ang nasawi makaraang makipagbakbakan sa pinagsanib na tropa ng pamahalaan sa Barangay EJC Montilla, Tacurong City.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Provincial Office Region 12 director, Chief Supt Eliseo Tam Rasco, naganap ang labanan alas-2:30 ng madaling araw kahapon sa Kapingkong Road.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na RID 12, Tacurong City Police Station, Isulan MPS, SKPPO, RMFB12 at Joint Task Force Talakudong, Philippine Army.

Hindi naman naki­lala ang mga napaslang na umano’y mga rebelde at pinaniniwalaang may koneksiyon sa international terrorist na ISIS makaraang makuha sa lugar ang watawat ng nasabing grupo.

Bago ang bakbakan, may nakarating na impormasyon sa tropa ng pamahalaan hinggil sa planong ibiyaheng sa nasabing lungsod at sa bayan ng Isulan.

Agad nag-coordinate ang militar at pulisya at nagbantay sa checkpoint hanggang sa dumating ang dalawa lulan ng multicab na biglang nag-U turn nang makita ang alertong tropa ng pamahalaan.

Agad pinaharurot ng mga suspek ang sinasak­yan patungong Tacurong City na naging dahilan para habulin ang mga ito hanggang Kapinkong road at nang makorner ay nagpaputok sa tropa ng pamahalaan na naging signal para maganap ang labanan.

Gayunman, nasawi ang dalawa at nakuha sa kanilang posesyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang 9mm berretta pistol, isang KG9, iba’t ibang bala, isang yunit ng improvised explosive device (IED), at isang itim na watawat ng ISIS.

Patuloy namang bi­neberipika kung miyembro ng ISIS ang mga napaslang.         EUNICE C.

Comments are closed.