PAGBUBUKAS NG NEGOSYO SA TAGAYTAY IPINAUBAYA SA LOCAL GOV’T

ASEC Jonathan Malaya-2

BAHAGYANG dumistansiya ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga pasaway na may-ari ng mga establisimiyento at negosyo sa Tagaytay na nanawagang hayaan na silang magbukas.

Ayon sa pamunuan ng DILG, nasa mga lokal na pamahalaan ng Tagaytay ang desisyon kung papayagang makapagbukas ang mga negosyong matatagpuan sa Taal Ridge.

Ito ay sa likod ng nakaambang banta na maaring pumutok ang bulkan habang  abala pa rin sila sa paglilikas ng mga residente sa may walong barangay sa tinata-yang aabot  sa 200 evacuation cen­ters sa  loob pa rin ng walong barangay na kailangang ilikas.

“Si Sec. [Eduardo] Año kahapon nagsabi okay, kung nasa ridge naman, sige pahintulutan na ng LGU but the accountability is with the local government unit,” sabi ni Jonathan Malaya, tagapagsalita ng DILG.

Nauna nang sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hindi aabutin ng base surge ang Tagay-tay Ridge dahil sa taas nito kahit pa nakapaloob ito sa 14 kilometer danger zone.

Pero diin ni Malaya, wala pa ring pagbabago sa advisory na ibinigay ng Phivolcs.

“Based on the report this morning, mataas pa rin po ang sulfur content, ‘yung earthquakes mataas pa rin so hindi pa rin po talaga bumababa ‘yung alert level natin,” paliwanag ni  Malaya.

Nilinaw rin niya na tanging ang mga barangay ng Bagong Tubig, Kaybagal South (Poblacion), Maharlika West, Sambong, San Jose, Silang Junction South, Maharlika East, at Tolentino East ang kasama sa mandatory evacuation at hindi ang buong Ta-gaytay.           VERLIN RUIZ

Comments are closed.