NGAYONG tayo ay nasa gitna ng krisis pangkalusugan na dala ng pandemyang COVID-19, napakalaking bagay ang makakita ng mga kompanyang nagsusumikap na makapaghatid ng tulong sa mga nangangailangan sa kabila ng panganib na dala nito. Unti-unti ay nakikitaan na ng pagbuti ang ating sitwasyon bilang resulta ng pagiging agresibo ng pamahalaan sa pamamahagi ng bakuna sa mga mamamayan.
Kasabay ng magandang balitang ito, ang iba pang mga balita ukol sa mga tulong na patuloy na naihahatid sa mga nangangailangan at iba pang istoryang nakapaghahatid ng pag-asa ay nakatutulong sa paglakas natin bilang isang bansa na nasa gitna ng krisis.
Isang magandang halimbawa nito ay ang programang Relocatees and Informal Settlers (RAISE) ng Meralco. Ito ay patunay sa dedikasyon ng kompanya na tulungan ang mga mamamayang kapos sa buhay na magkaroon ng serbisyo ng koryente. Bukod pa rito, sinusuri rin ng Meralco ang mga relocation site, partikular ang mga site na maaaring pagmulan ng sunog sa lugar. Bahagi ito ng dedikasyon ng Meralco na maghatid ng serbisyo sa lahat ng customer nito, anuman ang estado sa lipunan.
Nakagagalak malaman na sa pamamagitan ng programang RAISE ng One Meralco Foundation (OMF), 128 kabahayan ang nabigyan ng serbisyo ng koryente sa Sitio Pusawan HOA, Brgy. Ususan, Taguig City. Bunsod ng layo nito mula sa pasilidad ng Meralco bago ito isinailalim sa RAISE, ang mga pamilya sa nasabing lugar ay umaasa lamang sa submeter. Isang halimbawa ay ang kuwento ni Ms. Rosalina Quillao, isa sa mga natulungan ng RAISE, na umasa sa submeter sa loob ng 15 taon. Nitong Enero ng taong 2021 lamang siya nagkaroon ng sarili niyang serbisyo ng koryente. Bilang resulta, bumaba ng 87% ang kanyang bayarin sa koryente kada buwan. Ito ay naging pabor para sa kanila dahil sila ay nagkaroon ng sariling metro sa panahon na lubos nila itong kinakailangan. Tatlo sa kanyang anak at isang pamangkin ay sumasailalim sa online class, at ang kanyang kapatid naman ay nagtatrabaho bilang call center agent mula sa kanilang bahay.
Ang nasabing komunidad ay isa lamang sa mga lugar na natukoy ng Meralco Electrification Program na naglalayong makapagbigay ng serbisyo sa lahat ng customer na nasasakupan ng prangkisa ng Meralco. Maganda ang takbo ng programa sa kabila ng pandemyang COVID-19. Ito ay dahil sa 24/7 na pagsusumikap ng organisasyon na makamit ang kanilang layunin.
Ang programang ito ng OMF ay naging daan para sa pagtutulungan ng Meralco, lokal na pamahalaan, at ng mga lider ng komunidad upang matugunan ang mga isyu na siyang nagiging hadlang sa pagkakaroon ng serbisyo ng koryente sa mga naturang lugar.
Ang OMF ay tumutulong sa mga residente sa pagsunod sa mga loadside requirement, habang ang Meralco ay gumagawa naman ng paraan upang mapabilis ang aplikasyon at mapababa ang gastos ng mga komunidad. Sa kabilang banda, ang lokal na pamahalaan naman ang tumutugon sa isyu ukol sa mga dokumento.
Nitong nakalipas na 10 taon, ang pagtutulungan sa pagitan ng mga stakeholder at ng mga komunidad na natulungan ng programa ay nagresulta sa pagkakaroon ng serbisyo ng koryente ng 55,000 na kabahayan. Tinatayang nasa 6,999 na bahay ang natutulungan ng programa ngayong taon.
Ang pagpapailaw ay isang kumplikadong trabaho dahil marami ang kailangang makiisa upang maisakatuparan ito. Subalit gaano man kakumplikado, basta’t ang lahat ay magtulungan, ang imposible ay nagiging posible. Sa pamamagitan nito ay nabibigyan ang mga komunidad na walang serbisyo ng koryente ng pagkakataong magkaroon ng mas maliwanag at mas maunlad na hinaharap na pangmatagalan.
Isang bagay rin na aking naobserbahan sa naturang mga inisyatiba ay hindi ito natatapos lamang sa pagbibigay ng serbisyo ng koryente. Bukod sa paghahatid ng serbisyo ng koryente ay tumutulong din ang OMF sa pagbibigay ng mapapagkakitaan sa mga miyembro ng komunidad na kanilang tinulungan. Bunsod nito ay nagiging pang-matagalan ang solusyon at oportunidad na handog ng organisasyon.
“Ako ay lubos na nagpapasalamat sa proyektong ito dahil ngayon, maaari na akong kumita kahit nasa bahay lang. Kumikita ako ng ekstra pangbili ng gatas at diaper ng aking mga anak,” pahayag ni Menchie Arguelles, isa sa mga natulungan ng programa, nang bisitahin sila ng OMF sa Sta. Mercedes Ville sa Barangay Patungan, Maragondon, Cavite. Si Arguelles ay isang maybahay ng isang security guard at may dalawang anak. Siya ay nabigyan ng sewing machine matapos sumailalim sa training na pinangasiwaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) matapos silang mabigyan ng serbisyo ng koryente ng Meralco sa pamamagitan ng OMF Household Electrification Program.
Ang Sta. Mercedes Ville ay may 354 na kabahayan. Ito ay isa sa mga komunidad na natulungan ng programa sa gitna ng pandemya noong nakaraang taon. Sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ng mga lider at miyembro ng komunidad, naging determinado silang magpatuloy sa tulong ng lokal na pamahalaan, Meralco, OMF, at ng mga miyembro ng komunidad. Ang pagtutulungan sa pagitan ng mga ito ang naging susi sa pagkakaroon ng pag-asa ng mga pamilya.
Ipinakikita ng programa ng OMF na ang pangmatagalang solusyon sa mga pagsubok na kinakaharap ng ating bansa ay dapat tinututukan at binabantayan sa lahat ng yugtong pinagdadaanan nito. Sa ganitong paraan, ang mga Filipinong nangangailangan ng tulong ay hindi lamang nabibigyan ng pagkakataong makapamuhay ng maayos. Sila rin ay nabibigyan ng pagkakataong mapataas ang antas ng kanilang kabuhayan para sa kanilang pamilya at mahal sa buhay.
Mahaba pa ang landas na ating tatahakin bago tuluyang mapagtagumpayan ang pandemyang COVID-19. Habang patuloy ang ating laban, nawa’y patuloy tayong magtulungan. Hindi kinakailangang maging ala-Superman sa pagtulong. Ang mahalaga ay nakakapaghatid tayo ng tulong sa mga kapwa nating nangangailangan, kahit sa ating simpleng pamamaraan lamang.
257460 272266If you are needing to produce alteration in an individuals llife, during i would say the Are normally Bodyweight peeling off pounds training course are a wide path inside the direction of gaining any search. la weight loss 711778
539446 77165cleaning supplies ought to have earth friendly organic ingredients so that they do not harm the environment 153356
473872 121609Id always want to be update on new articles on this web internet site , saved to favorites ! . 648075
834848 131984Having read this I thought it was extremely informative. I appreciate you taking the time and effort to put this post together. I once once more uncover myself spending strategy to much time both reading and commenting. But so what, it was nonetheless worth it! 919500