PAGDATING NG ASTRAZENECA NAUDLOT

ASTRAZENECA

HINDI makararating sa bansa ang British- Sweden drugmaker COVID-19 vaccine na AstraZeneca.

Ito ang ipinaalam ni Health Secretary Francisco Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay Vaccine Czar  Carlito Galvez na nagsabing dulot ito ng global supply issues.

Batay sa unang anunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque, tanghali ngayong araw, Marso 1 ay darating ang mahigit 500,000 doses ng AstraZeneca vaccines subalit bigo itong nai-ship patungo sa Filipinas.

Sinasabing problema sa supply kung bakit maantala pa ng isang linggo ang pagdating ng naturang bakuna sa bansa

Ayon kay Galvez, nauunawaan naman ng Pangulong Duterte ang dahilan ng hindi pa pagdating ng bakuna at sa ngayon ay magiging abala sila sa vaccination gamit ang Sinovac vaccine.

Ang mahigit na 500,000 doses ng AstraZeneca ay bahagi ng unang batch ng alolasyon ng Filipinas mula sa Covid-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.