CAMP CRAME – BAGAMAN tapos na ang pagdiriwang sa Bagong Taon, patuloy pa rin ang paghimok ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na isumbong ang mga namataang gumamit ng baril at mga ipinagbabawal na paputok.
Ayon kay PNP spokesman BGen. Bernard Banac, mahalagang mapanagot ang mga lumabag sa batas, kahit kasamahan pa nila ang mga ito sa serbisyo.
Ang kailangan umano ngayon ay disiplina para sa pangmatagalang kaayusan, lalo na kapag may mga ganitong okasyon.
Mayroon pang isang linggo na maghihigpit ang PNP laban sa indiscriminate firing. EUNICE C.
Comments are closed.