DUMALO at nag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Ka Blas Ople si Migrant Workers Secretary Maria Susana V. Ople para sa ika-96 taong kaarawan ng kanyang yumaong ama sa Malolos City.
Kasabay din nito, idineklarang special non-working day ang lalawigan ng Bulacan kahapon.
May temang, “Gat Blas F. Ople: Dakilang Bulakenyo, Bayani ng Manggagawang Pilipino”.
Si Ka Blas ay tinaguriang “Father of Philippine Labor Code” at “Father of Overseas Filipino Workers” na naging Senador at may akda at nagsabatas ng 13th month pay at TESDA.
Kasabay ng pagdiriwang ang isang job fair na pangungunahan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO) at Department of Labor and Employment (DOLE) na isasagawa sa Hiyas ng Bulacan Convention Center.
Kasunod nito, ang pagbibigay-pugay at ipamamahagi rin ang certificates of completion ng DOLE Government Internship Program sa mga bulakenyong benepisyaryo at OWWA. THONY ARCENAL