MARAMING kandidato ang may mali sa ipinasang certificate of candidacy (COC), ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, ang form na ipinapasa ng mga kandidato ay nada-download sa Comelec website at kailangan nila itong i-print nang back-to-back.
Ngunit sa halip aniya ang ginawa ng mga kandidato ay pinag-hiwa-hiwalay ang print ng naturang form.
Dahil umano rito ay napapatagal ang kanilang pagproseso.
Ayon kay Jimenez, nasa dalawa o tatlo ng kahalintulad na problema ang kanilang naobserbahan at malaking bilang umano ito kung ang pag-uusapan ay ang kabuuan ng kanilang sistema.
Kabilang sa mga naghain ng kanilang COCs si dating pangulong Gloria Arroyo para sa ika-apat na termino bilang mambabatas ng 2nd District ng Pampanga.
Sa pamamagitan ng kaniyang anak na si incumbent Representative Juan Miguel Mikey Arroyo, isinumite nito ang kaniyang kandidatura.
Magk asabay namang naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-presidente at bise presidente ang tandem na sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Dr. Willie Ong, sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec), sa Harbor Garden Tent ng Hotel Sofitel, sa Pasay City, kahapon ng umaga.
Napili ng dalawa na maghain ng kandidatura nitong Oktubre 4, na ikaapat na araw ng COC filing para sa May 9, 2022 elections, dahil kasabay ito ng kapistahan ni St. Francis of Assissi at kaarawan ng yumaong TV host na si German Moreno, na siyang naging tatay-tatayan ng alkalde at daan upang sumikat siya bilang artista at makaahon sa kahirapan hanggang sa tuluyang pumalaot sa larangan ng pulitika.
Muli namang tatakbo bilang konsehal sa unang distrito ng Parañaque ang dalawang aktor na sina Jomari Yllana at Vandolf Quizon.
Re-electionist si Yllana, na naging miyembro ng sumikat noong 1990’s na grupong “Gwapings”, at Quizon na anak naman ng dating komedyanteng si Dolphy at aktres na si Alma Moreno, sa ilalim ng tiket ni Rep. Eric Olivarez na siyang tatakbong mayor ng lungsod.
Pormal na ring naghain ng COC sa Comelec bilang mayor ng 1st district si Congressman Bayani “BF” Fernando.
Samantala, kinansela ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang filling ng COC nito sa Comelec Office 3rd Flr., # 8 W. Paz St., sa lungsod.
Nauna ng nagpahayag si Fernando na tatakbo bilang mayor sa lungsod matapos umanong tanggihan ni Teodoro ang higit P8 bilyon halaga ng proyekto kabilang ang pagtatayo ng limang palapag na gusali para hindi magmukhang paniki ang mga inmate sa Bureau of Jail Management and Penol-ogy (BJMP).
Pinangunahan naman ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang tiket ng “Team Calixto” sa paghahain ng kani-kanilang COC sa Level 2 South Entertainment ng SM Mall of Asia (MOA) sa ilalim ng partidong PDP-Laban.
MARIVIC H, ELMA M, ANA ROSARIO H
Comments are closed.