PAGHAHANDA PARA SA 2025 NATIONAL ELECTIONS

Makikita natin kung paano naghahanda ang mga kandidato para sa darating na halalan, ngunit mahalaga rin na ang mga botante mismo ay maghanda rin nang maaga para sa kapakanan ng ating minamahal na bansa.

Habang papalapit ang pambansang halalan sa Pilipinas sa 2025, maliwanag na hindi lamang ito tungkol sa pagpili ng mga bagong lider kundi pati na rin sa pangangalaga ng ating demokrasya. Panahon na upang suriin natin, bilang mga mamamayan, ang kasalukuyang sitwasyon at itulak ang mga kinakailangang pagbabago upang masigurong patas at malinis ang darating nahalalan.

Isang mahalagang bagay na dapat pagtuunan natin ng pansin ay ang papel ng social media, na naging importanteng plataporma para sa mga political campaign, na nagbibigay sa mga kandidato ng direktang linya sa mga botante. Bagaman may mga makabuluhang benepisyo ang social media, may dala-dala rin itong mga panganib.

Ang pagkalat ng misinformation, disinformation, at propaganda sa pamamagitan ng mga “troll farms” ay nagdudulot ng seryosong banta sa patas na halalan. Ang fake news ay madaling makapagbaluktot ng pananaw ng publiko, kaya’t mahalaga ang pagpapatupad ng mas mahigpit na regulasyon sa political advertising sa mga platapormang ito.

Ang fact-checking at pakikipagtulungan sa mga tech company upang matukoy ang mga mali at nakakalitong impormas­yon ay mahalaga para mapanatili ang isang malinis at matuwid na pulitika. Ang social media ay may potensyal na magkaroon ng positibong impluwensiya, ngunit mangyayari lang ito kung matutugunan ang maling paggamit nito.

Hindi rin maaaring maliitin ang kahalagahan ng edukasyon ng mga botante.

Ang kaalaman tungkol sa eleksyon ay maha­laga para makagawa ng makabuluhang desisyon kaugnay ng halalan.

(Itutuloy…)