CAMARINES SUR – NANAWAGAN ang militar sa mga rebelde na huwag nang tangkain pang abalahin o atakehin ang kanilang humanitarian assistance and disaster response operation sa Bicol region para sa mga biktima ng Bagyong Usman.
Kasabay nito, mahigpit ang paglatag ng security measures ng 9th Infantry Division, Philippine Army sa kanilang mga sundalo na magsasagawa ng humanitarian assistance at disaster response operation sa mga lugar sa Bicol Region na labis na naapektuhan ng nagdaang bagyong Usman.
Sinabi ni Col. Paul Regencia, tagapagsalita ng 9ID, Philippine Army, na bago nila isagawa ang nasabing operasyon, kailangan muna nila na matiyak na ligtas ang mga sundalo at hindi na maulit pa ang bakbakan ng military at New People’s Army (NPA) sa Barangay Baay, Labo, Camarines Norte habang sa kalagitnaan ng operasyon.
Kaugnay nito nanawagan si Regencia sa mga NPA na huwag munang manggulo habang nagbibigay ng tulong sa mga taong apektado ng bagyong Usman sa rehiyon.
Binigyan-diin ng opisyal na ito ang panahon upang magtulungan ang lahat para sa ikabubuti ng mga taong naapektuhan ng malawakang pagbaha at landslides sa Kabikulan. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.