PAGKAIN AT BITAMINANG DAPAT NA KAHILIGAN NANG MAIWASAN ANG MAT-INDING KALUNGKUTAN

PAGKAIN-10

(ni CYRILL QUILO)

LAHAT ng tao ay dumaraan sa depression. Ang depression ay isa lamang salita na madalas binabanggit ng iba sa atin. Kahit na sa panahon ngayon ay naging “impression” na ng ilan sa tinatayang 15% sa atin ang nakararanas nito at kina-kailangang gamutin o bigyan ng medical attention.

Walang pinipili ang nakararanas ng ganitong pakiramdam. Ang ilan sa mga senyales ng depression ay ang matinding kalungku-tan, kawalan ng interes sa mga kaibigan at kinahihiligan, nahihirapang makaidlip o makatulog, nawawalan ng gana sa buhay at sa pagkain.

May mga food supplement na puwedeng subukan upang malabanan ang naturang problema o pa-kiramdam.

MGA PAGKAING DAPAT NA IWASAN

Kailangan na­ting maging maingat sa ating kinakain dahil mayroon itong mala­king epekto sa ating ka-lusugan. Kaya para mai-wasan ang nadaramang depression, narito ang ilang pagkaing dapat na iwasan o tanggalin sa diyeta:

SOBRANG ASUKAL. Kapag nakadarama tayo ng matinding kalungkutan, agad na naiisip nating kainin ay ang mga matatamis na pagkain. Ito nga naman ang isa sa pagkaing nakapagbibigay sa atin ng magan-dang mood. Ngunit pansamantala lang ang nai-tutulong ng matatamis upang maging maayos ang ating pakiramdam

BAWASAN ANG CAFFEINE. Bukod sa sobrang asukal o matatamis, isa pa sa kaila­ngang bawasan ay ang caffeine. Ilan sa mga inuming mayroong caffeine ay ang coffee, tea at cola.

IWASAN ANG FRIED FOOD. Kung mayroon mang klase ng pagluluto na madalas nating ginagawa, iyan ang fried o pag-piprito. Kung nagmamadali nga naman tayo at kaila­ngan nating makapagluto sa ating pamilya, prito kaagad ang nasa ating isipan.

Marami nga namang pagkain ang puwedeng prituhin gaya na lang ng isda, karne at manok

Ngunit kailangan nating iwasan ang mga prito o fried food dahil sa masamang epektong naibibigay nito sa ating kalusugan.

PAGKAIN NA DAPAT KAININ O KAHILIGAN

Kung mayroon nga namang mga pagkaing dapat na iwasan, mayroon ding mga pagkaing kaila­ngang kainin o kahiligan at iyan ang mga sumusunod:

LOW FAT. Ang mga low fat na pagkain ay nakatutulong upang mag-improve ang overall health. Nakaka-stabilize rin ito ng mood. Kaya napakainam na isama sa diyeta.

FRUITS AND VE­GETABLES. Maraming gulay at prutas ang puwedeng kahiligan upang maging masaya at mawala ang lungkot. Ilan sa prutas at gulay na mai­nam sa mga taong may depression ay ang avocado, green leafy vegetables, onions, berries, mushrooms, beens at apples.

CEREAL. Isa rin ang cereal sa mayaman sa Vitamin B na nakatutulong upang gumanda ang pakiramdam at maiwasan ang de-pression.

YOGURT. Nakatutulong din ang yogurt upang malabanan ang depression at gumanda ang pakiramdam. Ang Greek yogurt ay nakapagpapataas ng level ng pleasure-boosting neurotransmitters. Kaya’t ta-mang-tama isama ito sa paboritong pagkain.

MGA BITAMINA. Ilan naman sa mga bita­mina na kailangan ng katawan nang malabanan ang depres-sion ay ang Vitamin B complex; Thiamin dahil nakatutulong upang makatulog ng maayos at magkaroon ng gana sa pagkain. Ang kulang sa Thiamin ay nakadarama ng madalas na takot, uneasiness, confusion at pabago-bagong mood; folate o folic acid; Vitamin B6 dahil ito ang nag-ma-manufacture ng hormone serotonin na nakatutulong sa mood; at Vitamin C na pinakaimportante upang mapanatiling malakas ang immune system.

Ilan lang ito sa mga tips na maaaring subukan para mapigilan ang depression. Pinakamabisa pa rin ang kumonsulta sa doktor nang mabigyan ng tamang payo lalo na kung malala na ang nararamdaman. Subukan din ang pakikipag-usap sa mga kaibigan at kapamilya.

Maikli lang ang buhay, huwag natin itong sayangin. Piliin nating mag-enjoy at pahalagahan natin ang buhay na mayroon tayo. (photos mula sa fruitsandveggies.org, thoughtco.com, tasteofhome.com)

Comments are closed.