CAMP CRAME – INIUTOS na ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa ang pagsasagawa ng imbestigasyon para matukoy kung may katotohanan ang report na may 357 na police officer pa rin ang sangkot sa droga.
Sinabi ni Gamboa ang mga pulis na ito ay kasama sa drug watchlist ng Pangulong Rodrigo Duterte kung saan Brigadier General o one star rank ang pinakamataas na ranggo.
Hindi na aniya muna isasapubliko ang pangalan ng mga ito hanggat hindi napapatunayang sangkot sila sa ilegal na droga.
Subalit nakausap na ni Gamboa ang halos lahat sa mga ito matapos na mag-report sa Camp Crame noong Byernes.
Magsisimula aniya sa Lunes ang validation process sa mga isinasangkot na pulis at inaasahang matatapos bago matapos ang buwang ito.
Dalawang level aniya ang gagawa ng validation process, una ay ang regional o Directorial Staff Adjudication boards at ipapasa ito sa National Adjudication Board na pinangunguhan ng Deputy Chief PNP for Administration.
Tiniyak ni Gamboa na kapag napatunayang sangkot ang mga ito sa drug transaction mahaharap sila sa kasong administratibo at kriminal na magiging dahilan ng pagkakatanggal nila sa serbisyo.
Subalit sakaling mapapatunayan naman wala sila koneksiyon sa droga ay aalisin sila sa drug watchlist. REA SARMIENTO
Comments are closed.