PAGKAKASARA NG ABS-CBN, HUWAG ISISI SA PALASYO AT KONGRESO -YAP

Rep Eric Yap-2

HUWAG isisi sa Palasyo ang Kongreso ang pagkakasara ng ABS-CBN kamakailan.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, miyembro ng Committee on Legislative Franchise, nakatanggap siya ng impormasyon na panahon pa ni Noynoy Aquino ay nag-apply na ng renewal ng prangkisa ang ABS-CBN, pero sa hindi pa batid na dahilan kung bakit hindi ito napagbigyan.

“Kung noong panahon nga ni PNoy na kaalyado nila ay hindi sila nabigyan, bakit nila sisisihin ang gobyerno ngayon” sabi ni Cong. Yap.

Ani Yap, hindi puwedeng sabihin na inupuan ng Kongreso ngayon ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN dahil noong pang 2014 hanggang 2016 ay wala rin nagawa ang mababang kapulungan ng Kongreso noon.

Sinabi ni Yap na ipapatawag nila ang lahat ng Pro at Cons sa isyu, kabilang na ang mga dating empleyado ng ABS-CBN bago desisyunan kung aapubahan o i-deny ang kahilingan na renewal ng isa sa giat TV network.

Hirit ni Yap, walang kinalaman ang Pangulong Rodrigo Duterte sa problema ng ABS-CBN dahil panahon pa ni PNoy ay hindi na sila nabigyan ng lisensiya.

“Hindi po ito tulad ng franchise ng taxi na every five years ang renewal, Eto po ay every 25 years kaya kailangan na pag-aralang mabuti” pahayag pa ni Yap.

Ang ABS-CBN ay nagsara nitong Mayo 5 ng gabi dahil hanggang doon lamang ang kanilang Franchise. PILIPINO MIRRO REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.