(Pagpapatuloy…)
Sino ang makakalimot sa mga catchphrase mula sa kampanya at administrasyon ni Pangulong PNoy: “Ang Daang Matuwid,” “Kung Walang Kurap, Walang Mahirap,” at “Kayo Ang Boss Ko”? Ang lahat ng ito ay nagpapahayag ng kanyang malalim na paniniwala sa katotohanan, katapatan, at pananagutan.
Ibinunyag niya ang iskandalo kaugnay sa maling paggamit ng pondo ng gobyerno at ang multi-bilyong pisong pork barrel scam.
Noong 2012, pinirmahan ni Pangulong PNoy ang RH Bill sa kabila ng matinding pagtutol ng Simbahang Katoliko.
Sinuportahan niya ang panukalang batas noong siya ay senador pa lamang at pinirmahan ito bilang batas noong Disyembre 21, 2012 upang magbigay sa mga Pilipino ng access sa mga serbisyong pangkalusugan at impormasyon tungkol sa reproductive health.
Matibay niyang pinanindigan ang karapatan ng bansa sa hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina tungkol sa teritoryo.
Dinala niya ang Tsina sa korte upang linawin ang hangganan ng teritoryong nasasakupan ng bawat bansa sa West Philippine Sea at South China Sea. Dahil sa pamanang ito ni Pangulong Noy, naging mas malinaw ang mga karapatan at obligasyon ng estado kaugnay sa alitang ito. Sana ay nakasulong na tayo bilang isang pandaigdigang komunidad kung hindi lang sa mga pangyayaring naganap matapos iapela ng Tsina ang hatol ng tribunal.
Ilan lamang ito sa mga maraming natatanging pangyayari sa loob ng anim na taong termino ni Pangulong PNoy.
Tatlong taon pagkatapos ng kanyang kamatayan, inaalala natin ang kanyang mga nagawa at sakripisyo bilang pangulo.
Isang paraan ito ng pagpapakita ng ating pasasalamat at pagbibigay pugay sa isang kagalang-galang at tapat na lider.