MAGUINDANAO – PATULOY na sinisiyasat ng militar ang narekober na dalawang bomba sa Guindulungan.
Ang nasabing mga pampasabog ay gawa sa 60MM na nakita ng isang residente ng Barangay Tambunan.
Kaagad namang nai-turnover sa 90th Infantry Battalion ang mga bomba at sunod sa Explosive Ordinance Disposal Team ng militar para sa tamang disposisyon.
Posibleng plano umanong gamitin ng mga armadong grupo ang naturang pampasabog laban sa mga dadaang militar sa lugar.
Patuloy naman ang paalala ng 6th Infantry Division Philippine Army sa pamamagitan ni 6th Infantry Division spokesman Arvin Encinas sa mga mamamayan na maging alerto at makipag-ugnayan sa militar sa lahat ng oras. GELO BAINO
Comments are closed.