PAGLAGO NG PH FACTORY OUTPUT BUMAGAL

BUMAGAL ang paglago ng Philippine factory output noong Hunyo sanhi ng annual declines sa 13 industry divisions sa nasabing buwan.

Sa preliminary results ng Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI) ng Philippines Statistics Authority (PSA)ay lumitaw na ang volume of production index (VoPI) ay lumago ng 3.4% noong Hunyo.

Gayunman ay mas mabagal ito sa revised 7.7% noong Mayo ngunit mas mabilis sa 0.04% contraction na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon

Ayon sa PSA, ang pagbagal ay dahil sa annual declines sa manufacture ng food products na bumaba ng 3.2%, fabricated metal products ng 36.4%, at beverages ng 7.7%.

“The annual drop of VoPI for manufacture of food products in June 2023 was mainly due to the annual decrement observed in manufacture of dairy products industry group,” paliwanag ng PSA.

Dagdag pa nito, ang iba pang main drivers sa annual decrease ng VoPI para sa manufacture ng food products ay ang annual declines sa manufacture of other food products, at mas mabilis na annual decline sa pagproseso at pag-preserve ng fish, crustaceans, at mollusks.

Naitala rin ang pagbaba sa manufacture ng wearing apparel (-34.5.5%), furniture (-28.2%), machinery and equipment (-21.6%), tobacco products (-20.5%), leather and related products (-13.0%), other non-metallic mineral products (-8.4%), paper and paper products (-7.2%), computer, electronic, at optical products (-7.0%), rubber and plastic products (-4.7%), at textiles (-0.5%).

Ang divisions na nagtala ng pagtaas ay ang printing and reproduction of recorded media (34.6%), manufacture of transport equipment (30.6%), electrical equipment (29.5%), repair and installation of machinery (23.6%), basic pharmaceutical products (20.0%), coke and refined petroleum products (15.4%), basic metals (15.0%), wood, bamboo, cane, rattan articles (3.7%), at chemicals (0.6%).

Samantala, ang value of production index (VaPI) ay lumago ng 3.9%, bumagal mula sa 9.9% noong Mayo, at 7.8% noong June 2022.