PAGLALABAS NG RESULTA NG BAR EXAMS IPINAGPALIBAN NG SC

IPINAGPALIBAN  ng Korte Suprema ang paglalabas ng resulta ng 2020-2021 Bar Examinations.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Brian Keith Hosaka, ilalabas nila sa April 12 ang resulta ng pagsusulit dahil humingi pa ng Special En banc Session si Associate Justice Marvic Leonen, 2020-2021 Bar Examinations Committee Chairperson para ma-reconsider ang kanyang report sa kauna- unahang digitalized at regionalized bar examinations at paglalabas ng resulta nito.

Ipinabatid pa ni Hosaka na itinakda naman sa Mayo 2 ang oath taking ng mga bagong abogado bagama’t iaanunsiyo na lamang aniya nila ang eksaktong oras, venue at iba pang detalye hinggil dito.

Ang nasabing bar examinations na isinagawa nitong nakalipas na Pebrero 4 at 6 ay nakapagtala rin ng 96.5% turn out o halos 12,000 law graduates na pinakamataas sa gitna ng COVID-19 pandemic. DWIZ882