SA PAGTATAG ng suplay at presyo ng essential goods ay pinag-aaralan ng Department of Trade and Industry (DTI) na bawiin na ang kautusan na naglilimita sa pagbili ng food at non-food products.
“We have been receiving requests from manufacturers and retailers to lift the anti-hoarding and anti-panic buying memorandum circular,” wika ni DTI Undersecretary for Consumer Protection Group Ruth Castelo sa Laging Handa press briefing.
Magugunitang Marso 19 nang ipalabas ng DTI ang kautusan dahil sa hoarding at panic buying na ginawa ng consumers sa essential goods.
Kabilang sa mga produktong ito ang alcohol, hand sanitizer, disinfecting liquids, bath soap, toilet paper, at face mask para sa non-food products, at instant noodles, canned sardines, canned milk, powdered milk, instant coffee at mineral water para sa food products.
“We’re still studying to remove the purchase limit. [DTI] Secretary [Ramon] Lopez is still looking into it,” ani Castelo.
Idinagdag pa niya na ibinalk na ang presyo ng manufactured products sa suggested retail prices (SRPs) ng mga ito na may petsang September 2019 matapos na magwakas ang 60-day price freeze noong May 15.
Comments are closed.