NAIS imbestigahan ng Kamara ang umano’y pag-usbong ng mga prostitution den na kustomer ay mga empleyado ng POGOs.
Sa inihaing House Resolution No. 497 ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, layon nitong masilip ang biglang paglobo ng bilang ng mga bahay aliwan sa bansa para sa mga Chinese worker.
Aniya, sa loob lamang ng isang buwan ay tatlo na ang ikinasang raid ng NBI sa mga den na malapit sa POGO hubs.
Nabatid na nagtatago umano ang mga ito bilang mga letihimong negosyo gaya ng spa, o ‘di naman kaya’y mga videoke bar.
Nilalayon din ng resolusyon na makabalangkas ng ilang mga hakbang para masawata na ang presensa ng mga illegal immigrant sa bansa.