PAGMAMAHAL SA PAMILYA AY WALANG KAPANTAY

SABI nila, ang Storge ay Greek word na ang ibig sabihin ay pagmamahal sa pamilya. Mahirap ipaliwanag. Ito ay filial love. Kapag filial ang isang tao, gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya maging magulang man ito, asawa o anak. Gagawin niya ang lahat para sa kanila.

Ang ay nagsisimula sa pagkakalapit ng mga puso – pagkakaibigan na unting naibabase sa parehong interes at commitment sa isa’t isa kesa passion. Sa ganitong paraan, mas matindi ang Storge kesa Philia, na ang ibig sabihin naman ay friendship – upang maiba ang kahulugan ng klase ng pag-ibig na ito.

Ito yung pagmamahal sa kapatid, asawa, pinsan, magulang, at mga anak. Sa Storge, kailangan ang familial loyalties, responsibilities, duties at entitlements. Walang hinihintay na kapalit at lalong hindi ipinipilit, dahil sabi nga nila, hindi naman naipipilit ag pagmamahal. Pero dahil sa pagmamahal na ‘yan, kakayanin nila ng magkakasama ang kahit anong irap ng buhay.

Liban sa pagpapakasa ng mag-asawa, na syempre naman, iba pang klase ng pagmamahal, ang relasyon ng mga taong ito na nagmamahalan ay binubuklod ng dugo at puso. Kapag nagpakasal ang isang babae at lalaki, nagiging mag-asawa sila at nagkakaroon ng anak. Iba ang pagmamahal ng mag-asawa sa isa’t isa at iba rin ang pagmamahal ng ama o ina sa kanilang anak na dugo ng kanilang dugo at laman ng kanilang laman. Ngunit sa isang banda, bilang asawa o bilang ama o ina, kaya nilang isakripisyo ang kanilang sariling kaligayahan, pati na ang kanilang buhay para sa taong kanilang minamahal.

Ang tawag dito ay kinship. Ito ang nagbubuklod sa pamilya. Kumbaga, ito ang tali upang hindi maghiwa-hiwalay ang mga tingting sa walis. Kaya nga kahit sa batas, sa maraming judicial system, hindi pwedeng tumestigo ang isang family member sa korte laban sa isa pang miyembro ng immediate family sa krimeng ginawa sa labas ng pamilya.

Lumalago angg Storgic love mula sa pagkakaibigan, o mula sa matagal na paninirahan ng magkasama sa iisang bahay. SHANIA KATRINA MARTIN