PAGNINILAY NGAYONG PASKO NG PAGKABUHAY: HINDI DAPAT MAWALAN NG PAG-ASA

JOE_S_TAKE

ANG PASKO ng Pagkabuhay ay may espesyal na puwang sa aking puso. Ito ay naaangkop na panahon para sa pagninilay-nilay. Ito ay panahon para alalahanin ang ating mga natanggap na grasya mula sa Panginoon at suriing mabuti ang ating sarili ukol sa kung paano natin hinaharap ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay.

HIndi gaya ng mga nakaraang selebrasyon ng Muling Pagkabuhay, kakaiba na naman ang pagdiriwang nito ngayong taon dahil gaya noong nakaraang taon, muli na naman tayong naka-lockdown at pansamantala na namang pinagbabawalan ang pagtitipon sa mga simbahan. Ang laban kontra pandemyang COVID-19 ay tila hindi pa matatapos. Sa katunayan, nalampasan na ng Filipinas  ang Indonesia sa Timog Silangang Asya bilang bansa sa rehiyon na may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19, ayon sa Worldometer.

Maraming Filipino ang nagpahayag ng pagdududa sa kakayahan ng ating bansa na mapagtagumpayan ang labang ito kontra pandemyang COVID-19. Naniniwala silang talo na ang bansa dahil sa kasalukuyang kalagayan ng ating sistemang pangkalusugan, at ang pagkapuno ng mga ospital dahil sa biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kada araw sa bansa.

Ayon sa mga ulat, nagkaroon ng matinding pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19 na pumapanaw sa kanilang sariling tahanan dahil sa kasamaang palad, hindi na makahanap ng ospital na may kapasidad pa para sa kanila. Marami rin ang naiulat na pumapanaw mula sa mga tent, pasilyo ng mga ospital, at maging sa mga parking lot. Para sa maraming Filipino, senyales na ito ng pagkatalo, senyales na hindi na kayang mapagtagumpayan ang pandemyang ito.

Ako ay isang uri ng tao na palaging may positibong pananaw sa buhay at ako ay naniniwala na mayroon pa ring pag-asa kahit na dumating pa sa punto na hinihiling mo na lamang na sana ay naging mas maganda ang resulta ng mga bagay-bagay sa paligid. Naniniwala ako na sa gitna ng krisis pangkalusugan na kinakaharap ng ating bansa, mayroon pa ring pag-asa. Sa patuloy na pagdating ng mga dosis ng bakuna sa bansa, ang aking panalangin ngayong Semana Santa ay nawa’y magtuloy-tuloy ang pagdating ng mga ito at na maisagawa na ang malawakang pamamahagi nito sa buong bansa, lalo na sa mga rehiyon na natukoy bilang hostpot ng COVID-19 sa bansa.

Kung bakit ako nananatiling puno ng pag-asa, ito ay dahil sa isang personal na karanasan bilang residente ng lungsod ng Pasig.

Kapag nagpadala ka ng mensahe sa mga ahensiya ng pamahalaan, karaniwang karanasan na ang hindi makatanggap ng kasagutan. Kung makakuha ka man ng kasagutan, madalas ay hindi rin sapat ang impormasyon na iyong makukuha. Ngunit, nitong mga nakaraang linggo, nasaksihan ko kung paanong ang lokal na pamahalaan ng Pasig ay nakapagbibigay na kakaibang karanasan. Mabilis ang pagsagot at tama ang impormasyon ukol sa kalagayan ng komunidad ang iyong makukuha kapag ikaw ay nagpadala ng mensahe sa kanila.

Dapat bigyan ng pagkilala si Pasig City Mayor Vico Sotto at ang kanyang mga kasamahan sa pagpapakita ng mahusay na serbisyo at maayos na pamamahala sa Pasig lalo na ngayong panahon ng pandemya. Tahimik, mahusay, at maayos ang sistemang ipinatutupad sa pamamahagi ng bakuna. Hindi sila nag-iingay sa publiko ukol sa kanilang mga ginagawa. Nagsimula na silang magpamahagi ng bakuna sa mga healthcare worker. Inuumpisahan na rin ang pagtukoy sa mga senior citizen, mga mamamayan na mayroong comorbidity, at mga mamamayang may kapansanan.

Ang mga residente ng Pasig, partikular na ang mga nabibilang sa mga grupong dapat bigyan ng prayoridad sa bakuna, ay hinihikayat na magparehistro, sagutan ang profiling form, at maghintay ng abiso mula sa lokal na pamahalaan ukol sa kanilang iskedyul. Tunay na maayos at organisado ang sistema ng Pasig. Maging ang aking anak na doktor ay nabigyan na rin ng bakuna.

Nakatutulong din sa pagpapalakas ng kalooban na malaman na binigyan na ng pahintulot ng pamahalaan ang mga miyembro ng pribadong sektor na bumili ng sarili nitong bakuna. Ito ay siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pagbibigay ng kautusan kay Secretary Galvez na pirmahan na ang lahat ng dokumentong magbibigay ng pahintulot sa pribadong sektor na makapag-angkat na ng bakuna.

Ang nasabing desisyon ni Pangulong Duterte ay napapanahon dahil makatutulong ito sa pagtugon sa problema ng biglaang pagtaas ng bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kaugnay ng isyu na aking tinalakay sa aking column noong nakaraang linggo ukol sa patas na pamamahagi ng bakuna, ipinahayag ni Pangulong Duterte na nahihirapan ang pamahalaan sa pagkuha ng bakuna kontra COVID-19 dahil ang mga mas mayayamang bansa ay bumibili ng dosis ng bakuna ng higit sa pangangailangan ng kanilang bansa.

Habang tayo ay naghihintay sa pagpasok ng dosis ng bakuna sa bansa, ako ay naniniwala na dapat ay paigtingin ang COVID-19 testing sa bansa. Ang pagkalat ng bagong uri ng COVID-19 ay nakapangangamba. Upang mabilis itong matugunan at upang mabilis matukoy ang mga indibidwal na positibo rito, dapat ay paigtingin ang ginagawang testing. Dapat ding paigtingin ang telemedicine upang mabawasan ang bilang ng mga taong pumupunta sa mga ospital para magpatingin at magpagamot. Huwag nating kalimutan na ang COVID-19 ay kumakalat dahil sa paglabas-labas ng ating mga tahanan.

Makatutulong din kung ang mga abandonadong mga gusali ay pansamantalang gawing pagamutan upang matugunan ang kakulangan sa mga emergency room. Kailangan ding masiguro ang pagdagdag ng mga nars at doktor at ang masigurong sapat ang nakukuha nilang kabayaran at benepisyo kapalit ng kanilang pagtataya ng buhay upang makatulong sa laban kontra pandemyang COVID-19.

Ngayong Semana Santa, bukod sa pagninilay-nilay, nawa’y gamitin din natin ang panahong ito upang huminga mula sa problema at magpalakas ng kalooban upang sama-sama nating harapin ang pagsubok na dala ng mga susunod na linggo.

Gampanan nating mabuti ang ating papel sa laban kontra COVID-19 kasabay ng pagsisikap ng pamahalaan sa pagkuha ng sapat na dosis ng bakuna para sa ating lahat. Iwasan muna ang pakikipagkita sa mga kaibigan at mga kamag-anak. Ating tandaan na sa tuwing tayo ay lumalabas ng ating mga tahanan ay inilalagay natin ang ating kaligtasan at kalusugan sa panganib ng exposure sa virus. Kaya  kung hindi naman mahalaga o emerhensya, manatili na lamang sa loob ng tahanan.

Atin ding isaisip na hindi tayo nag-iisa sa krisis na ito. Kasama natin ang Panginoon sa ating bawat hakbang. Tayo ay maniwala na hindi Niya tayo bibigyan ng problemang hindi natin kayang mapagtagumpayan.

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa ating lahat!

135 thoughts on “PAGNINILAY NGAYONG PASKO NG PAGKABUHAY: HINDI DAPAT MAWALAN NG PAG-ASA”

  1. Medicament prescribing information. safe and effective drugs are available.
    ivermectin human
    Everything information about medication. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  2. Learn about the side effects, dosages, and interactions. drug information and news for professionals and consumers.
    can you buy cheap propecia
    What side effects can this medication cause? Definitive journal of drugs and therapeutics.

  3. п»їMedicament prescribing information. Prescription Drug Information, Interactions & Side.
    top ed drugs
    Everything what you want to know about pills. Read information now.

  4. Comprehensive side effect and adverse reaction information. earch our drug database.
    https://tadalafil1st.com/# cheapest generic cialis
    Everything information about medication. safe and effective drugs are available.

  5. What side effects can this medication cause? Comprehensive side effect and adverse reaction information.
    https://tadalafil1st.online/# tadalafil 10 mg canadian pharmacy
    Actual trends of drug. Everything what you want to know about pills.

  6. Definitive journal of drugs and therapeutics. п»їMedicament prescribing information.
    tadalafil coupon
    Drugs information sheet. drug information and news for professionals and consumers.

Comments are closed.