PAGPAPABUTI NG ANTAS NG KABUHAYAN NG MGA FILIPINO DAPAT TUTUKAN

JOE_S_TAKE

NANG tumama ang pandemyang COVID-19 sa mundo, napilitang huminto sa operasyon ang iba’t ibang industriya sa bansa bilang hakbang sa pagkontrol ng pagkalat ng virus. Ang resulta, maraming negosyo ang pansamantalang nagsara dahil tanging ang mga sektor lamang na natukoy bilang ‘essential’ ang pinahintulutan ng pamahalaan na magpatuloy sa operasyon. Bunsod nito, maraming tao ang nawalan ng trabaho, at marami rin ang pansamantalang nawalan ng pinagkakakitaan dahil sa sistemang ‘no work, no pay’.

Ang kasalukuyang pinansiyal na sitwasyon ng mga mamamayan ay mas nailarawan pa sa pamamagitan ng resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS). Ayon sa datos na nakalap ng SWS, tanging 17% lamang ang antas ng bilang ng mga pamilyang Filipino ang nagsabing hindi sila mahirap o hindi hirap sa buhay ngayong panahon ng pandemya.

Ang datos na ito ay base sa survey na isinagawa ng ahensiya mula ika-28 ng Abril hanggang ika-2 ng Mayo na may 1,200 na kabuuang bilang ng tugon. Nakitaan din ng pagbaba ang bilang ng mga pamilya mula sa Metro Manila at sa Visayas na nagsabi na hindi nila itinuturing na mahirap ang kanilang pamilya.

Nakalulungkot at nakababagabag ang datos na ito dahil batay sa resulta, nasa 49% ng mga pamilyang Filipino ang nagsasabing sila ay mahirap. Ang natitirang 33% naman ay nagsasabing sila ay nasa borderline ng pagiging mahirap.

Ayon sa SWS, ang resultang kanilang nakalap kamakailan ay hindi nalalayo sa resulta ng kanilang isinagawang kaparehong survey noong Nobyembre 2020. Batay sa datos noong nakaraang taon, nasa 48% ng mga tumugon ang nagsabing sila ay mahirap. Nasa 36% naman ang nagsabing sila ay nasa borderline, at 16% ang nagsabing hindi sila mahirap.

Kung datos lamang mula sa Metro Manila ang pagbabasehan, mula sa 42% na antas ng bilang ng mga pamilyang Filipino na naniniwalang hindi sila mahirap noong Nobyembre 2020, ito ay bumaba sa 30% ngayong 2021. Nasa 31% ang nasa borderline, at 39% ang itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap na pamilya.

Sa Visayas naman, 5% lamang ng mga tumugon ang nagsabing sila ay hindi mahirap. Ito ay bumaba kumpara sa resulta noong Nobyembre 2020 na nasa 6%. 56% naman ang nagsabing sila ay mahirap, at 39% ang nagsabi na sila ay nasa borderline.

Sa rehiyon naman ng Mindanao, tumaas ang antas ng nagsabing hindi sila mahirap, Mula sa dating 3%, ito ay umakyat sa 6%. Nasa 59% ang itinuturing ang kanilang pamilya bilang mahirap, at 35% naman ang nasa borderline.

Ayon sa SWS, noong Mayo 2021 ay inalam din nila mula sa mga pamilyang tumugon na sila ay mahirap kung ang mga ito ba ay nakaranas na maituring ang kanilang pamilya bilang hindi mahirap o nasa borderline lamang ng kahirapan sa loob ng nakaraang apat na taon. Mula sa 12.4 milyong pamilyang tumugon sa nasabing survey, 2.4 milyon o 9.4% ang natukoy bilang ‘newly poor’. Ang ‘newly poor’ ay ang klasipikasyon sa mga pamilyang hindi itinuring na mahirap ang kanilang kalagayan noong nakaraang apat na taon.

Samantala, nasa 1.2 milyong pamilya o 4.9% naman ang bilang ng mga pamilyang karaniwan nang itinuturing ang kanilang kalagayan bilang hirap sa buhay noong nakaraang limang taon o higit pa. Nasa 8.8 milyon o 34.9% naman nagsabing sila ay dati nang mahirap.

Inalam din ng SWS mula sa mga pamilyang tumugon na sila ay hindi mahirap kung ang mga ito ay nagkaroon ng karanasang maging mahirap o maituring ang sarili na nasa borderline ng kahirapan noong mga nakaraang taon. Batay sa resulta, napag-alaman ng ahensya na mula sa 12.8 milyong pamilyang hindi hirap sa buhay, 4 milyon o 15.8% sa mga ito ang maituturing na ‘newly non-poor’. Nasa 2.4 milyon o 9.4% ang karaniwang tumutukoy sa sarili bilang hindi mahirap, at 6.2 milyon o 24.7% naman ang nagsabing talagang hindi sila hirap sa buhay.

Malinaw mula sa mga datos na ito na dapat tutukan ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng iba’t ibang sektor ng ekonomiya upang makapagbukas ng mga trabaho para sa mga nawalan ng hanapbuhay ngayong panahon ng pandemya.

Batay sa datos ng SWS, nasa 12.2 milyong Pilipino o 25.8% ang nananatiling walang trabaho noong Mayo 2021. Bagamat nakitaan na ito ng bahagyang pagbuti mula sa datos na nakalap ng ahensya noong Nobyembre 2020 kung saan nasa 12.7 milyon o 27.3% ang walang trabaho, ito ay maituturing pa rin na mataas kung ikukumpara sa datos noong bago magkaroon ng pademya. Nasa 17.5% lamang ang naitalang antas ng walang trabaho noong Disyembre 2019.

Noong July 2020 naitala ang pinakamataas na datos ng walang trabaho sa bansa na nasa 45.5%. Ito ay bumaba sa 39.5% noong Setyembre 2020. Lalo pa itong bumaba sa 27.3% noong Nobyembre 2020, at naging 25.8% noong Mayo 2021.

Bagama’t nagkaroon ng pagbuti sa sitwasyon kung antas ng walang trabaho ang pag-uusapan, nananatili pa rin itong usapin para sa ating bansa. Ito ay isyu na dapat tugunan ng pamahalaan, at dapat ding paghandaan ng mga susunod na lider ng bansa na mailuluklok sa posisyon sa darating na eleksiyon.

Tayo ay nasa kritikal na panahon dahil sinisikap ng ating bansa na muling bumangon sa kabila ng pananatili ng pandemyang COVID-19. Kailangang makapaglatag ng maayos, malinaw, at epektibong istratehiya kung paano mas lalong mapabababa ang antas ng walang trabaho sa bansa. Tiyak na magiging matinding hamon para sa mga susunod na lider ng bansa ang muling pagbangon ng ating ekonomiya. Kaya naman aking hinihikayat ang bawat isa na maging mapanuri sa susunod na eleksyon.

Ang paglalatag ng istratehiya kung paano muling maiaangat ang antas ng kabuhayan ng mga Pilipino kasabay ng muling pagbangon ng ating ekonomiya ay isa sa mga dapat hanapin sa mga kakandidato sa Mayo 2022. Ang pagtugon sa suliraning ito ay responsibilidad ng kasalukuyang administrasyon at siya ring sasaluhin ng sinumang uupo sa posisyon. Kaugnay nito, sana ay gamitin natin ang ating karapatang bumoto sa pagluklok ng mga lider na mayroong sapat na kaalaman, karanasan, pagmamahal sa bayan, at pagmamalasakit sa sambayanan dahil kritikal ang kanilang gagampanang papel sa muling pagbangon ng ating bansa habang at pagtapos ng pandemyang COVID-19.

175 thoughts on “PAGPAPABUTI NG ANTAS NG KABUHAYAN NG MGA FILIPINO DAPAT TUTUKAN”

  1. safe and effective drugs are available. Read information now.
    stromectol cvs
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Everything about medicine.

  2. Commonly Used Drugs Charts. Generic Name.
    ivermectin 3
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  3. Actual trends of drug. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://levaquin.science/# cheap levaquin price
    Everything information about medication. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  4. drug information and news for professionals and consumers. Cautions.
    cheap propecia price
    drug information and news for professionals and consumers. drug information and news for professionals and consumers.

  5. Get warning information here. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://edonlinefast.com best male ed pills
    Definitive journal of drugs and therapeutics. safe and effective drugs are available.

  6. п»їMedicament prescribing information. All trends of medicament.
    canada drugs
    safe and effective drugs are available. What side effects can this medication cause?

  7. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Commonly Used Drugs Charts.
    https://canadianfast.com/# pet meds without vet prescription
    drug information and news for professionals and consumers. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

  8. Medicament prescribing information. earch our drug database.
    sildenafil cost uk
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. What side effects can this medication cause?

  9. drug information and news for professionals and consumers. Read now.
    https://tadalafil1st.com/# canadian pharmacy generic tadalafil
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. earch our drug database.

Comments are closed.