PAGPAPAGAMOT SA MAHIHIRAP SA PALAYAN CITY SINASAGOT NI MAYOR

Rianne Cuevas

ALAM na ng mga mahihirap na residente ng Palayan City kung saan sila lalapit kapag walang pambayad sa ospital para sa kanilang pagpapagamot.

Kung hindi sa City Hall ay sa bahay mismo ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas nagtutungo ang mga kapus palad at hindi naman sila nabibigo.

Tulad na lamang  ng isang 78-taong gulang na si Lolo Guilermo Barrientos, mula sa pagpapa-check up hanggang sa pagpapa-opera ng bukol ay sinasagot ang gastusin ni Mayor dahil walang wala rin naman ang kanyang mga anak at apo.

Nailabas naman ng isang ina mula sa Brgy. Imelda, Palayan City sa pamamagitan ng ceasarian operation sa isang private hospital sa Cabana­tuan City ang premature na paternal twins na sanggol makaraang sagutin ng alkalde  ang bill nito na mahigit sa P100,000.

Inako  pa ni Cuevas ang  lingguhang check-up at theraphy ng apat na magkakapatid ng pamil­yang Novicio dahil sa kakaibang sakit sa buto.

Ayaw magpa-interview  ng mayora hinggil sa nasabing pagtulong pero ayon sa kanyang staff, mula sa simpleng paracetamol hanggang sa operasyon at theraphy ay sinasagot ng lady mayor kapag mahirap  na  Novo Ecijano ang lumapit sa kanya.

Ayon pa sa staff, kadalasan ay sa mister ng lady mayor na si Bong Cuevas, galing ang perang pagpapagamot ng mga mahihirap na constituents.

Kilalang matagumpay na negosyante, mabalit at matulungin sa mga kapus palad si Bong Cuevas.

Comments are closed.