PAGPAPALAYA SA MGA SENIOR NA PRESO SA MUNTI PINOPROSESO NA

Preso

PINOPROSESO  na ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalaya ng mga may karam­daman at matatandang Person Deprived of Liberty (PDL).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang executive clemency mula sa Pa­ngulo ang pinakamabilis na paraan para makalabas sa piitan ang mga ito.

Sa ngayon ay tugon pa lamang ng DOJ sa panawagan ng mga matatandang PDL ang inilalabas.

Una na rito ay nakiusap ang mga PDL na senior citizen na nasa minimum security compound ng bilibid kay Bureau of Corrections (BOC) Director General Gerald Bantag na sila ay mapalaya.DWIZ882

Comments are closed.