CAMP CRAME – SUSUPORTAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang anumang maging desisyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagbibigay ng listahan ng mga high value target kay Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter Agency Commitee on Anti-Illegal drugs (ICAD).
Para kay PNP Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa hindi na mahalaga na malaman pa ni Robredo ang mga nasa listahan ng HVT.
Mas maigi aniyang sa rehabilitation advocacy ituon ni Robredo ang kanyang atensiyon.
“Why would VP not take the advocacy and the rehabilitation. Pasok ‘yung sinasabi n’ya that the illegal drugs is actually a health problem so probably that can fall on advocacy and rehabilitation,” ayon kay Gamboa.
Dagda pa ni Gamboa, dapat hayaan na sa PNP, PDEA at National Bureau of Investigation at iba pang law enforcement ng drug war.
Sa huli sinabi ni Gamboa na ipapaubaya na nila lahat ang desisyon sa PDEA bilang lead agency sa war on drugs ng pamahalaan.
Una nang nag-alangan ang PDEA na ibigay sa pangalawang pangulo ang listahan ng mga HVT subalit binawi at sinabing ipakikita ito kay Gng. Robredo sa isang closed door meeting. REA SARMIENTO