PAGPAPASARA SA PROVINCIAL BUS TERMINALS UUNTI-UNTIIN NA NG MMDA

PROVINCIAL BUS

INIANUNSIYO  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sa buwan ng Marso ay uunti-untiin na ang pagpapasara sa mga provincial bus station.

Ayon kay MMDA General Manager  Jojo Garcia, kanila nang inabisuhan ang lahat ng mga terminal ng provincial buses sa EDSA  upang maibsan ang trapiko.

Paliwanag ni Garcia, gagawin nilang “by route” at hindi “by company” ang pagtatanggal ng mga terminal sa EDSA upang maiwasan ang mga agam-agam na may pinapaboran ang MMDA.

“Talagang soon, pero hindi talaga drastic na wala talaga, we have order from Malacañang to close down all  this terminals at nakita naman natin, na-explain ko na before ang logic behind this”, ani Garcia.

Sinabi ni Garcia, sa dara­ting na buwan ng Marso ay unti-unti na aniyang mawawala ang mga bus terminal sa EDSA, na  ang bilang nito ay nasa 46.

Sakali aniyang mawala na ang mga bus terminal sa EDSA ay mawawala na rin ang choke points dito.

Ang hakbangin ng MMDA ay bunsod sa programa ng pamahalaan para sa traffic reduction ng Metro Manila.  MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.