PAGPAPATALSIK SA PNPA NG 3 PULIS NASA DILG NA

PNPA

QUEZON CITY – NATANGGAP na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ang dismissal ng tatlong kasapi ng Philippine National Police Academy (PNPA) dahil sa  hazing/sexual harassment.

“Walang puwang sa PNPA ang mga kadeteng baluktot mag-isip at lalong walang espasyo para sa mga baluktot na gawain. Even the President himself was appalled by what happened,” dagdag pa ni Año.

Mula sa desis­yon ni PNPA Director, Chief Supt. Jose Chiquito M. Malayo na  sina­sangayunan din ito ni Ano, makikitang matibay ang ebidensya sa ginawa ng mga ito sa tatlong kadete na pinuwersang magsagawa ng oral sex bilang punishment at guilty sa grave misconduct at conduct unbecoming of an officer o acts inimical or prejudicial to good order and discipline.

Dagdag pa ni Año, “Because of the gravity of the offense which is in violation of the New PNPA Cadet Guide, the three erring cadets deserve no less than dismissal from the cadetship program.”

Habang ang Philippine Public Safety College (PPSC) ay tinanggap din ang naturang desisyon kung saan napatunayang may misconduct at hazing na naga­nap, hindi ito tino-tolerate sa Academy at ang PPSC ang may direktang administrative supervision sa PNPA.  PAULA ANTOLIN

Comments are closed.