PAGPATAY SA 2 KATUTUBO KINONDENA

USEC Mapagu

KINONDENA ng pamunuan ng Department of National Defense at Philippine Army ang sinasabing pagpatay ng Communist Party of the Philippines (CPP)  at ng kanilang armadong galamay na New People’s Army sa dalawang katutubong rebel returnees.

Ayon kay Usec. Reynaldo B. Mapagu, pinuno ng Task Force Balik-Loob, malinaw  ang mensahe ng karumal-dumal na pagpas­lang ng komunista at teroristang grupo ng CPP-NPA sa dalawang dating rebeldeng mula sa tribong Higaonon na sina Rey-nante Lloren noong Abril 18 at Joel Canatoy nitong nakalipas na linggo.

Pahayag pa ni  Mapagu, hindi kayang tanggapin ng mga miyembro ng CPP-NPA ang magandang buhay na naghihintay sa mga dati nilang kasama na nagbalik-loob sa pamahalaaan upang makapiling ang kanilang mga pamilya.

Kasalukuyang  pinoproseso ng mga ahensiyang bumubuo sa Task Force Balik-Loob ang mga benepisyo at serbisyo para sa da-lawa mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Ayon naman kay Army Spokesman Col. Demi Zaagala, layunin ng mga terorista na sirain ang loob ng mga kasamahan para huwag samantalahin ang mga beni­pisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan sa kanilang hanay.

Layunin din umano ng CPP-NPA na patahimikin ang mga dating rebeldeng nagbalik-loob na sa pamahalaan, pigilan ang mga ito laban sa paglantad, pagpapahayag ng kabutihang dulot ng E-CLIP at sinseridad ng pamahalaan, at pagsisiwalat na pawang kas-inungalingan lamang ang mga doktrinang dala ng bulok na ideyolohiya ng komunismo.

Nais nilang mamuhay sa takot ang mga dating rebelde at kanilang mga pamilya upang hindi matamasa ng mga ito ang buhay na mapayapa at maunlad, ani Mapagu.

Dagdag pa ng opisyal na nais ng CPP-NPA na takutin ang mga aktibo nilang miyembro at ipa­rating ang mensahe na sasapitin ng mga ito ang malagim na kapalaran nina Reynante at Joel kung sila ay magbabalik-loob sa pamahalaan at magsusuko ng kanilang mga armas.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.