PAGSABOG SA FRANCE, MGA PINOY  MINO-MONITOR

france

PASAY CITY – PATULOY ang paalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino partikular ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa France kasunod ng ulat ng pagsabog sa Lyon.

As of 10 am kahapon, patuloy na inaalam ng DFA kung may Filipino na nabiktima ng nasabing sakuna.

Sinabi ni Ambassador to France Ma. Theresa Lazaro na ang Philippine embassy sa  Paris at sa Honorary Consulate sa Lyon  ay  kasalukuyan pang mino-monitor ang sitwasyon sa French City.

Dagdag pa ni Lazaro na nakikipag-coordinate na sila sa French authorities para matukoy kung may mga Filipino na nasugatan sa nasabing insidente.

Sa ulat, ang pagsabog ay naganap sa panulukan ng Rue Victor Hugo at Rue Sala sa Lyon. GELO BAIÑO

Comments are closed.