PAGSASAYANG NG PAGKAIN, ISANG KASALANAN–OBISPO

pagkain

NAKIKIISA  ang isang obispo ng Simbahang Katolika sa panawagan at kampanya laban sa pagsasayang ng pagkain sa bansa.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, bise presidente ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), para sa isang mahirap na bansa na katulad ng Filipinas, kung saan maraming mamamayan ang nagugutom, hindi katanggap-tanggap ang pag-aaksaya ng pagkain.

Tinawag pa niya ang pagsasayang ng pagkain na ‘morally wrong’ at isang seryosong kasalanan.

“It’s absurd to even think about the amount of food that goes to waste in a country where so many people go hungry,” pahayag ni David, sa isang pahayag sa CBCP website.

Nauna rito, isinusulong sa Kongreso ang “Zero Hunger Act” na nag-aatas sa mga food establishment sa bansa na i-donate ang kanilang mga sobrang pagkain sa charity at mga non-profit organizations.

“It is easy to address the typical concern of people in food business about being held liable in case the food that they donate gets spoiled in transit or due to improper handling,” ayon naman kay David.

“That’s precisely where the charitable organizations come in, to assume responsibility for what is donated,” aniya pa.

Batay sa datos ng Food and Nutrition Research, ang isang Filipino household ay nagsasayang ng 43 gramo ng kanin araw-araw, gayundin ng walong gramo ng iba pang uri ng pagkain, gaya ng isda, karne at gulay, habang sa World Hunger Report 2018 naman ay nasa 13.3 milyong Pinoy ang ikinokonsi­derang ‘food-insecure.’ ANA ROSARIO HERNANDEZA

Comments are closed.