AMINADO si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi nila inaasahan ang pagsirit ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong mga nakalipas na araw.
Ayon kay Duque, mas maraming nagkakahawahan ngayon ng coronavirus kaya’t kinakailangang magsagawa sila ng mga kinakailangang adjustments.
“Hindi naman natin alam na papalo ng ganito kataas. So we have to make the adjustments,” ani Duque, sa panayam sa telebisyon.
“Mas maraming nagkakahawaan. Ngayon na tumaas. O, para muna tayo. Ganu’n talaga, e. We have to bounce. Parang cha-cha-cha ka e. ‘Di ba, ‘di ba? One step back, two steps forward,” aniya pa.
Una nang nagbabala ang independent think tank na OCTA Research na posibleng tataas pa ang maitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 hanggang sa katapusan ng buwan, at maaari anilang umabot ito ng hanggang 20,000 kada araw sa Abril kung hindi ito maaagapan.
Sa kasalukuyan ay puspusan naman na ang pagsusumikap ng mga lokal na pamahalaan na mapigilan ang hawahan ng virus sa kani-kanilang nasasakupan.
Kabilang na rito ang pagpapatupad ng mas mahabang curfew hours, mas istriktong pagpapatupad ng mga health and safety protocols, at implementasyon ng granular o localized lockdowns sa mga lugar na maraming naitatalang bagong kaso ng sakit.
Nitong Biyernes, inianunsiyo na ng Malacanang ang pagbabawas sa operational capability ng mga tanggapan at state corporations ng mula 30% hanggang 50% mula Marso 22 hanggang Abril 4.
Ilang tanggapan na rin ng pamahalaan ang nagsarado para magsagawa ng disinfection matapos na makapagtala ng COVID-19 cases. ANA ROSARIO HERNANDEZ
120303 432660The planet are in fact secret by having temperate garden which are usually beautiful, rrncluding a jungle that is undoubtedly undoubtedly profligate featuring so several systems by way of example the game courses, golf method and in addition private pools. Hotel reviews 213569
686882 266220I discovered your blog web site internet site on the search engines and check several of your early posts. Always maintain up the quite great operate. I recently additional increase Rss to my MSN News Reader. Looking for toward reading considerably far more on your part later on! 275373
416956 853582Howdy! Would you mind if I share your weblog with my twitter group? Theres a lot of people that I feel would actually enjoy your content material. Please let me know. Thanks 465067
370299 181818I adore your wp style, wherever did you download it by means of? 855895