PAGTAKIP SA MGA ESTERO TINUTULAN SA SENADO

IMEE-MARCOS

NANANAWAGAN si Senadora Imee Marcos sa gobyerno na huwag takpan ang mga estero sa Kalakhang Maynila.

Ito ang naging reaksiyon ng senadora matapos na mapag-alaman na may ilang  local government units ang nagpaplano na takpan ang mga estero pa-ra paglagyan ng mga vendor at gawing vehicle parking matapos na walisin ang mga ito sa lansangan.

Ayon kay Marcos, hindi dapat na takpan ang mga estero na nilinis ng kanyang ina noong ito pa ang gobernadora ng Kalakhang Maynila.

Giit ng senadora na pinaghirapan ng kanyang ina na tanggalin noon ang mga sagabal sa estero upang mabawasan noon ang matinding pagbaha tuwing panahon ng bagyo.

Nangangamba ang senadora na posibleng mas lalong tumindi ang mga pagbaha sa Metro Manila kapag tinakpan ang mga kasalukuyang estero para lamang paglagyan ng mga illegal vendor at gawing parking lot matapos ang malawakang clearing operations alinsunod na rin sa kautusan ng Pangulo na ibalik ang kalsada sa tao.    VICKY CERVALES

 

Comments are closed.