PAGTATAG NG DEPARTMENT OF OFWs MADALIIN

Sen- Koko-Pimentel

IGINIIT ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang agarang paglikha sa Department of Overseas Filipino Workers (DOFW), dahil hindi maikakaila ng gobyerno na malaking bahagi ng po­pulasyon ng mga Filipino ay nakiki­pagsapalaran sa ibayong dagat na kung saan ang kanilang kapakanan ay kailangang matiyak at pangalagaan sa lahat ng pagkakataon.

“Andami na nila. Bagaman mayroon nang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Wel-fare Administration (OWWA), hindi sapat ang tauhan ng dalawang ahensiyang ito upang tugunan ang dumadaming pan-ga­ngailangan ng ating mga OFW,” anang senador.

Matatandaan na noong 2018, dumaing na ang OWWA dahil sa nasa 420 lamang ang mga kawani nito sa buong mundo, 300 ang nasa bansa at 120 abroad, para tugunan ang maraming usapin ng 10 milyong mga OFW na siyang tanging departamentong nakatuon lamang sa kanila ang solusyon.

Isinulong ni Pimentel ang Senate Bill 1445 (An Act Creating the Department of Overseas Filipino Workers, Defining its Pow-ers and Functions, Appropriating Funds Therefor, and for Other Purposes).

Base sa mga ulat ay umaabot sa $1.5 billion ang mawawalang halaga ng remittances sa Filipinas dahil sa tinatayang 10 hang-gang 15 porsiyentong pagbaba ng bilang ng mga Filipinong ipinadadala sa Gitnang Silangan dahil sa bumababang halaga ng pres­yo ng langis sa pandaigdigan.

Nabatid na aabot sa 100,000 trabaho para sa OFWs ang mawawala dahil sa suliraning pananalapi ng Saudi Arabia at ng iba pang mga bansa sa Middle East sanhi ng pagbulusok ng presyo ng krudo.

“Napakalaking bilang niyan, lalo na dahil ang Saudi Arabia ay ang pinaka gustong bansa ng 25.4 porsiyento ng mga OFW, ba-tay sa Philippine Statistics Authority. Kasunod nito ang United Arab Emi­rates (15.3%) at Kuwait (6.7%),” anang senador.

Noong nakaraang taon, humigit-kumulang 3,000 manggagawa ang  natulungang makauwi ng OWWA. Bumaba din ng sam-pung porsiyento ang bilang ng mga naipadalang OFW dahil sa pabago-bagong presyo ng krudo.  VICKY CERVALES

Comments are closed.