PAGTUTOL SA TRICYCLE BILANG SCHOOL SERVICE SINUPORTAHAN

NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang isang commuter rights group sa pagtutol ng  Quezon City sa panukalang ipagbawal ang mga tricycle na ginagawang school shuttle.

Ayon kay Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) founder and president Ariel Inton, walang batas na nagbabawal sa mga mag-aaral na sumakay sa tricycle na maghahatid-sundo sa kanila

Ang bawal umano ay kung overloading, colorum, at out-of-line na mga tricycle.

Una nang tinutulan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang suhestiyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipagbawal ang mga tricycle na namamasada bilang school bus.

Pagdidiin ni Belmonte, walang masamang magsilbing school service ang mga tricycle basta’t hindi overloading, colorum, o out-of-line.

Mas mapanganib umano ang mga sasakyang nag-o-overload ng pasahero at ang walang disiplinang pagmamaneho, estudyante man o hindi ang nakasakay.

Para naman kay Belmonte, dapat ay kinonsulta muna ng LTFRB ang LGUs bago sila magpatupad ng ban, dahil may kani-kaniya umano silang ordinansang ipinatutupad upang lutasin ang kanilang localized issues.

Sa ilalim ng Ordinance No. SP-2337-2014 o “Quezon City Tricycle Management Code of 2014”, mahigpit na ipinagbabawal ang mga colorum, out-of-line, at overloading na mga tricycle.

Sa ilalim ng ordinansa, ang mga pampublikong tricycle ay maaari lang magsakay ng apat na pasahero, kabilang na ang driver habang sa ibang lugar ay puwede ang apat na pasahero at ang driver.  NENET VILLAFANIA 

Comments are closed.